^

PSN Showbiz

Controversial actress gustong ingudngod ang GF ng dating BF ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa sinabing “Lani (Mercado) is running definitely as a congresswoman,” ni Sen. Bong Revilla, wala nang atrasan ang muling pagpasok sa pulitika ng aktres. Okay na raw ang redistricting sa Cavite na hinintay lang nila at ngayong naaprubahan na, iiwan na uli ng aktres ang showbiz para bumaling sa pulitika.

Ang All My Life kung gano’n ang last regular show ni Lani para paghandaan ang pagpasok uli sa pulitika. Nabanggit na nito ang ilan niyang programa sa distritong ire-represent kapag siya’y sinuwerteng manalo.

Samantala, hindi “no,” kundi “hintayin natin ang oras na ‘yun” ang sagot ni Bong kung magi-guest ba siya sa Agimat series na pagbibidahan ng anak na si Jolo Revilla sa ABS-CBN, ibig sabihin, malaki ang posibilidad na mag-guest siya sa serye ng anak. By that time, wala na siguro siyang show at wala nang kontrata sa GMA 7.

* * *

Sa August 17 na pala ang premiere ng season 2 ng Survivor Philippines, kaya hindi na magtatagal ang ipaghihintay ng mga viewers na gusto nang malaman at makilala ang mga castaways. Ayaw magsalita nang tinanong namin kung ilan ang castaways ngayon at sa presscon na lang daw malalaman at si Paolo Bediones mismo raw ang mag-a-announce.

Natutuwa ang GMA 7 na walang leak na lumalabas tungkol sa Survivor Philippines 2, obviously, hindi nila nababasa ang napo-post na leak sa iba’t ibang thread ng sisimulang reality show. May nag-post na kung saan ginawa ang taping at may binanggit pang host ng isang QTV show at sikat na endorser na isa raw sa mga castaways.

Naku, hintayin na nga lang natin ang presscon and hopefully, i-present din sa press ang mga castaways.

* * *

Sobrang galit ng controversial actress sa pamilya ng actor na dating naka-relasyon ng anak na pati nobya ng actor na walang kinalaman sa gulo ng dalawa nilang pamilya ay idinadamay. Sa isang kuwentuhan, nabanggit ng aktres na ingungudngod niya ang GF ng actor ’pag naging malapit sa batang miyembro ng pamilya ng actor.

Nakakagulat ang bantang ito ng controversial actress sa GF ng actor dahil out ito sa gulong nangyayari at nagkataon lang na ang young actress ang ipinalit ng actor sa kanyang anak. Saka, as if naman, pababayaan lang ng young actress at paryentes nito na saktan siya ng controversial actress. Kapag tinotoo ng controversial actress ang pananakit sa GF ng actor, magkakagulo na talaga.

* * *

Sa third week ng Kay Tagal Kitang Hinintay episode ng Dear Friend, nadiskubre ni Rachel (Sunshine Dizon) ang totoong dahilan sa ’di pagsipot ni Michael (Polo Ravales) sa kanilang kasal at siya na ang lalapit sa lalake para humingi ng tawad. Kahit mahal pa ng dalaga ang ex, wala na siyang magagawa’t ikakasal na ito kay Dianne (Chynna Ortaleza).

ACTOR

ALL MY LIFE

BONG REVILLA

CHYNNA ORTALEZA

DEAR FRIEND

JOLO REVILLA

KAY TAGAL KITANG HININTAY

LANI

PAOLO BEDIONES

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with