^

PSN Showbiz

Aling Dionisia kinukuyog ng offer

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hay naku, Dennis Trillo, ano ba ang gusto mong patunayan? Totoo ba ang tsismis sa inyo ni Pauleen Luna? Panay ang tukso kay Pauleen ng mga kasamahan niya sa Eat Bulaga. At alam naman natin na malakas ang pang-amoy ng mga taga-Eat Bulaga. I’’m sure hindi ‘to gimik para sa Adik Sa ‘Yo na kung saan magka-partner ang dalawa.

No need for gimmicks para sa nasabing teleserye dahil mataas ang ratings nito, Kunsabagay, pareho namang available ang dalawa. Wala naman silang sabit, at sana nakakita na sila ng perfect partners after their failed relationships.

* * *

 Talagang sikat na sikat na si Mommy Dionisia Pacquiao. Kahit ilang ulit niyang sabihin na hindi niya kayang mag-artista at puwede siya sa pa guest-guest lamang, kinukuyog siya ng offer. At may tatanggi ba sa grasya?

Not the mother of the Pambansang Kamao na isang Kristyano at naniniwalang paminsan-minsan lamang dumating ang suwerte at hindi ito dapat pakawalan kapag nariyan na. At mataray si Mommy Dionisia, sina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang gusto niyang makasama sa pelikula o TV.

* * *

Proud ako kay Jackielou Blanco, ang galing-galing niyang artista. Biruin mo, kung hindi siya nag-revive ng kanyang acting career at nagkasya na lamang sa pag-aalaga ng kanilang anak ni Ricky Davao, malaking kawalan sana siya sa local na industriya. Kung mayroon ka mang kaiinisang kontrabida sa screen, si Jackielou yun. She is so good at being bad pero, sa tunay na buhay, may pusong mamon ‘yan, mabait at mabuting ina ng kanyang mga anak.

Pero may malaking lamang si Jackielou sa maraming nagko-kontrabida d’yan, magaling din siyang TV host. Malaking tulong siya sa akin sa Walang Tulugan. I’m proud na sa akin siya nagsimula at nahasa sa mga early shows ko sa GMA.

* * *

 Nagseselos daw si Rufa Mae Quinto sa bagong love ni Erik Santos. Totoo ba ang sabi ni Erik na hindi pa nakaka-move on ang kanyang ex?

Aba Pi-Chi (palayaw ng sexy actress), huwag kang ganyan, mas nauna pang maka-move on sa iyo ang ex mo? Eh, ang ganda-ganda mo at dati nagbibilang ka lang ng lalaki, ‘di ba? Ba’t ngayon parang nasi-zero ka? Tama na muna ‘yang trabaho. Asikasuhin mo muna ‘yang sarili mo. Baka, ang dami-dami mo ngang pera, wala ka namang lovelife. Aba eh, napakalungkot na katayuan ‘yan. Alalahanin mo, hindi ka na bumabata.

Napakasipag kasi nitong si Pi-Chi. Bukod sa napakaraming trabaho ay nagpo-prodyus pa ng pelikula. Naghihintay lamang ito ng tamang time at sasabak na naman sa movie production. Hoy, I-consider mo na ‘yung mga marriage proposals mo. It’s about time na isipin mo naman ang sarili mo. Tulad ng popular na kasabihan, it’s better to have loved and lost than never to have loved at all. Hindi ko sinasabi na magpakadalus-dalos ka, mag-isip ka rin pero paminsan-minsan use your heart and not just your mind. There’s nothing more beautiful than falling in love. Eh ano, kung magkamali ka, humanap muli ng iba. Ang importante, hindi maging bato ang puso mo. 

ADIK SA

DENNIS TRILLO

DIONISIA PACQUIAO

EAT BULAGA

ERIK SANTOS

JACKIELOU

JACKIELOU BLANCO

LSQUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with