^

PSN Showbiz

Bong Revilla hindi takot sa banta ni Rosanna

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

 Sa July 27 na ang first shooting day nina AiAi delas Alas at former President Joseph Estrada ng movie nila sa Star Cinema na may October 14, playdate. Si Wenn Deramas ang director, wala pang title, pero payag si AiAi kung Tanging Ama ang gamiting title nito.

Mag-asawa ang role nila ni Pres. Erap na kung tawagin ni AiAi ay “Papa E.” Nahiya ang hitad dahil late sila ni direk Wenn sa storycon last Wednesday at nag-promise na sa first day shoot at hanggang matapos ang pelikula, never siyang mali-late.

Sina Toni Gonzaga, Aling Dionisia at Sam Milby pa lang ang kinumpirma ni AiAi na kasama sa cast at ang mangyayari, puro lalake ang anak nila ni Erap, except Toni.

Binabasa at binili pala ni AiAi lahat ng libro ni Bo Sanchez at naa-apply niya sa buhay ang mga itinuturo nito. Natuto siyang magpatawad, wala na siyang inggit at insecurity at bibigyan niya ng libro sina Kris Aquino at Rosanna Roces. Dahil kay Bo, may Caring Group si AiAi at kasama rito sina Lorna Tolentino at Isabel Rivas at nagkikita-kita sila every Wednesday.

* * *

Kinumusta ng press kay Sen. Bong Revilla ang anak niyang si Jolo Revilla na namomroblema ngayon dahil nagdi-demand si Rosanna Roces na ibalik sa poder niya ang apong si Gab na anak ng young actor.

 “My son is very disappointed, he’s confused, very bothered at malungkot. Binibiro ko na lang, I told him mag-workout para mas gumanda ang katawan at para makapag-bonding kami. Naaawa ako sa anak ko at naaawa rin ako sa apo ko na nadadamay. Walang dapat pag-awayan dahil pareho naming mahal ang bata, pag-usapan na lang sana at ‘di kung anu-ano ang pino-post sa Facebook. Hindi ang lolo at mga lola ang magdedesisyon, ang nanay at tatay ni Gab,” pahayag ni Bong.

Naiintindihan ni Bong ang reaction ni Rosanna dahil mahal na mahal nito ang apo at nang tawagan niya ito last Wednesday, isinagest pa rin niyang mag-usap ito at si Jolo para sa ikabubuti ni Gab. Dinidiin naman daw ni Rosanna na iuwi sa kanila ang bata na ayon kay Bong, masaya sa kanila ang apo at pumapasok sa good school, ang Learning Child.

Umaasa rin si Bong na hindi na umabot sa korte ang usapin sa bata dahil nabanggit ni Rosanna na magdedemanda si Grace. Hindi ba sila natatakot?

 “Huwag na akong takutin, ‘di ako natatakot. Naaawa talaga ako sa anak ko, nato-torture. Mahal ni Jolo si Gab at ipaglalaban niya ang karapatan sa anak niya.”

May plano ba silang isoli si Gab kay Rosanna?

 “Hindi kami ni Lani ang magdedesisyon niyan, desisyon nina Jolo at Grace ang dapat sundin. Basta, hintayin na lang natin. Hindi ito dapat paglabanan sa korte, takutan na ‘yun.”

Samantala, masaya si Bong na malapit nang matapos ang Carlo J. Caparas Ang Panday, entry ng Imus Productions at GMA Films sa Metro Manila Film Festival and in fact, 90 percent of the movie na ang tapos at four days na lang ang shooting nila.

BO SANCHEZ

BONG REVILLA

CAPARAS ANG PANDAY

CARING GROUP

CARLO J

ERAP

IMUS PRODUCTIONS

JOLO

ROSANNA

ROSANNA ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with