Jinkee masayang nagka-trabaho 'para naman may ginagawa ako'
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta si Manny Pacquiao kay Jinkee na kasama niya sa television commercial ng Magnolia Milk and Ice Cream.
“Kung magbibigay ng award, sa asawa ko na ‘yan. Kasi talagang maalalahanin, maalaga, mabait sa lahat si Jinkee,” wika ni Pacquiao na napakarami nang endorsements maliban sa paglabas sa TV at pelikula.
Open na rin si Jinkee sa mga endorsements.
“Oo naman, para meron din akong ginagawa. Mas gusto kong may ginagawa ako at the same time kumikita ka rin. Hindi naman puwede yung laging nasa bahay ka,” sabi ni Jinkee.
Nasa commercial na ito sina Mommy Dionisia, Jimuel, Michael, Princess at Queen Elizabeth. Ito ang unang pagkakataon na magkasama ang pamilya Pacquiao sa nasabing commercial ng Magnolia Milk at Ice Cream.
“The main idea is we’re really trying to match an icon for an icon. Magnolia is an iconic brand for so many years for many generations and today Manny is the Filipino icon. We know that Filipino families grew up on Magnolia and what better way to express this by getting the whole family of Manny. Pinakyaw namin ang buong Pacquiao family,” wika ni Magnolia, Inc. general manager Reginald Baylosis.
“Nung sinabi na pamilya ko, hindi na ako nagdalawang isip talagang oo na agad eh dahil first time eh. First time kaming magkaroon ng commercial na kasama lahat, ” kuwento pa ni Manny.
Ayon kay Jinkee, bagay na bagay ang nasabing commercial sa pamilya niya.
“Kapag sa bahay, naglalaro sila ng mga bata, manonood ng TV. Basta nilalaro niya ang mga anak niya. Kapag nasa bahay kami, we’ll see to it na wala munang bisita, kami muna lahat, kailangan ‘yung bonding,”wika niya.
At maging ang mga bata ay masaya sa paglabas nila sa commercial.
“Happy sila, nakikita ko naman sa mukha nila na happy sila kasi alam nila na it’s about ice cream, and milk. Gustung-gusto nila talaga ang ice cream and milk,” pagtatapos ni Jinkee.
- Latest