^

PSN Showbiz

Piolo ayos na sa pamilya ni KC

- Veronica R. Samio -

Maraming kalalakihang may gusto sa anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion ang maiinggit sa magandang kapalaran ni Piolo Pascual dahil ang lakas-lakas ng laban nito kay KC.

Parehong boto sa aktor ang mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ganundin ang tumatayong ama nito na si Sen. Kiko Pangilinan.

“Walang problema sa akin si Piolo, he’s good for KC,” anang sikat na ina ni KC.

“Basta respetuhin lang niya si KC at ang pamilya nito,” sabi naman ng senador.

Samantala, inamin naman ni KC na lubhang napaka-aga pa para magseryoso siya sa pag-ibig. Kung saka-sakali daw ay mayroon pa siyang limang taon para enjoyin ang kanyang pagiging dalaga, na sinang-ayunan naman ng kanyang ina.

* * *

Sinabi naman ni Pia Guanio, secure siya sa love ni Bossing Vic Sotto. Walang dahilan para siya magselos sa mga naglalabasang balita linking Vic to his leading lady sa pelikulang LOL (Love on Line) na si Paula Taylor.

Binibigyang kulay ang pagiging maasikaso ni Vic kay Paula, tila naka­ka­limutan nila na ganito naman siya sa lahat ng mga nakakapareha niya. Feeling ni Vic, gusto lamang intrigahin ang tahimik na relasyon nila ng kanyang co-host sa Eat Bulaga.

“Hindi naman siya ang tipo na nagti-take advantage sa kanyang mga nakakapareha. ‘Yung pag-aalaga niya kay Paula Taylor ay dati na niyang ginagawa sa lahat ng nakapareha niya. Wala akong dapat ipag-alala. Baka pa kapag natsismis siya sa hindi niya nakasama o hindi artista,” pagtatang-gol pa ni Pia.

* * *

At 21, hindi kataka-taka kung gustuhin na ni Sarah Geronimo ang maging malaya. Katu­nayan ang birth­day wish niya ay mas para sa sarili niya.

Lahat naman ng babae ay gustong ma­ra­nasan ‘yung mada­law man lamang ng lalaki sa bahay, ang maligawan. Nagtata-ka nga ako nang sabi­hin niya na mga 24 or 25 pa siya magpapa­ligaw. Lubhang ma­tanda na siya para ma-enjoy ang pumili ng manliligaw na gusto niya kung hin­-di man maka-MU ay ‘yung pirmihan nang magbi­bigay sa kanya ng inspirasyon.

Sabi niya naman ngayon, handa na siyang magpaligaw. Buti naman. Dahil kapag mas mala­yo na ang kanyang nararating, mas mai-intimidate na ang lalaki na ligawan siya, baka hindi na siya makapili ng gusto niya. Magtitiyaga na lamang siya sa kung sino ang dumating. Hindi naman ibig sabihin ng pagiging independent  ay pababa­yaan mo na ang career mo at magi-ging bad girl ka na.

EAT BULAGA

GABBY CONCEPCION

KIKO PANGILINAN

NAMAN

NIYA

PAULA TAYLOR

PIA GUANIO

SHARON CUNETA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with