Allowance, maid at van nami-miss ni Rosanna?
May nag-suggest pala kay Senator Bong Revilla na isoli na lang kay Rosanna Roces ang apo nilang si Budoy (anak ni Jolo Revilla kay Grace Adriano na anak ni Rosanna). Pero mabilis daw ang sagot ng senador na may pagka-bayolente : “Apo ko rin naman siya.”
Three months nang nasa pangangalaga ng pamilya nila Sen. Bong si Budoy matapos madiskubreng may primary complex ang bata na ngayon ay under treatment. Anim na buwan ang nasabing gamutan sa ganung sakit.
Ang primary complex ay karaniwang sakit ng mga bata sa baga.
Bukod sa ipinagagamot ito ng pamilya ni Jolo, ayon sa source, nag-aaral na rin daw ito sa malapit sa kanilang bahay.
Maayos din daw ang usapan na sa kanila muna ang bata dahil inaasikaso ni Grace ang anak niya sa boyfriend na kasalukuyang nasa Saudi ayon pa sa source.
May nakabasa sa Facebook na may sinasabi si Rosanna na idadaan niya sa korte ang pagkuha sa bata dahil hindi na ito ibinibigay sa kanila.
Ang analysis ng source : “Baka nami-miss lang nila ang dalawang maid ni Budoy. Ang allowance at ang van na ginagamit ni Budoy na sila naman ang karaniwang gumagamit,” sambit ng source.
Ay may ganun palang issue doon.
Anyway, hintayin na lang natin ang kahihitnan ng kuwentong ito dahil pampamilya ang problema.
* * *
Dahil nagpapa-renovate ng bahay si Janice de Belen, inilagay niya muna sa drawer ang urn ng kinalalagyan ng abo ni Tito Douglas Quijano.
Lahat ng mga naiwang alaga ni Tito Dougs na naghati-hati sa alala ng kanilang namayapang manager.
Sila ni Richard Gomez ang abala sa ‘malaking’ celebration ng “40 days” na isasabay na sa birthday ni Tito Dougs.
- Latest