Pagbabantang demanda ng laos na aktres 'wa epek'
See you in court daw ang banta ng isang laos na bold star laban sa showbiz clan na favorite niyang awayin.
Anong klaseng court kaya ang tinutukoy ng laos na bold star? Badminton court, basketball court o Victoria court?
Tigilan na niya ang mga pagbabanta dahil wa epek na ang kanyang mga drama. Hindi na siya sineseryoso sa showbiz ‘no! Passe na ang kanyang mga emotional blackmail! She’s so pathetic talaga.
* * *
Nagpunta ako kahapon sa presscon ng Love On Line (LOL), ang pellikula ni Vic Sotto at ng Thai actress na si Paula Taylor.
As usual, ako ang pinakamaagang dumating sa presscon. Naunahan ko pa si Bossing, pati si Paula na nagpasabi na male-late siya ng dating dahil delayed ang kanyang flight mula sa Bangkok, Thailand.
Yes, fresh from Bangkok si Paula. Bumalik lamang siya sa Pilipinas para sa presscon ng LOL.
* * *
May balita na ipapalit sa timeslot ng Ful Haus ang Show Me The Manny, ang sitcom nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.
Walang idinenay o kinumpirma si Bossing. Basta ang sabi niya, nakikipag-negotiate pa siya sa GMA 7.
Si Bossing ang bida at produ ng Ful Haus kaya siya lang ang puwedeng mag-confirm o mag-deny ng tsismis na hanggang August 2 na lang ang sitcom nila ni Pia Guanio sa Kapuso network.
* * *
Sumipot kahapon si Jose Manalo sa presscon ng LOL.
Ang akala ng mga reporter, hindi magpapakita si Jose dahil sa mga personal na problema na gumugulo sa kanyang pamilya.
In fairness, dumalo si Jose sa presscon at nagpainterbyu siya sa mga reporter. Inamin ni Jose na iniyakan nito ang pagkawala niya sa Eat Bulaga pero temporary lang daw ito dahil babalik din siya.
Nakipagtsikahan portion si Jose sa mga reporter. Na-realize niya siguro na walang mangyayari kung iiwas siya sa press tulad ng nangyari sa press visit noon sa CCP Complex.
* * *
Kasali sa cast ng LOL sina Melissa Ricks at Matt Evans. First time ko na nakita nang personal si Melissa. Maganda siya, sexy at matangkad na babae.
Magaling umarte si Melissa dahil napapanood ko siya sa Kambal sa Uma. Bagay na bagay sa kanya ang role niya. Hindi na ako nagtataka na hindi siya nawawalan ng mga TV assignment dahil bukod sa mahusay umarte, mabait si Melissa.
* * *
Palagi akong nakakatanggap ng e-mail mula sa fans nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.
Nagtatanong sila tungkol sa next project ng kanilang mga idol. Walang dapat ipag-alala ang fans dahil inihahanda na ng GMA 7 ang bagong show nina Mark at Jennylyn.
Malakas pa rin ang loveteam ng dalawa kaya sila pa rin ang pinagtatambal ng GMA 7. Pati sa mga out-of-town at out-of-the country shows, sina Mark at Jennylyn ang nire-request ng fans.
- Latest