^

PSN Showbiz

Aiai di nalimutan ni Eugene sa kanyang launching movie

- Veronica R. Samio -

Ayaw patulan ni Eugene Domingo ang pang-iintriga sa kanilang dalawa ni AiAi delas Alas. Magbibida na siya sa Kimmy Dora kaya puwedeng magka-level na sila.

 “Siya pa rin ang Comedy Queen, ang kaibigan ko na handang tumulong sa akin sa anumang paraan na kakayanin niya. Kung hindi man siya isa sa mga may cameo role sa launching movie ko, hindi ibig sabihin ay pinabayaan na niya ako. Sa sobrang excitement ko sa pelikula, hindi ko na nagawang pakialaman pa kung sino ang makakasama ko, Naiwan ang task na ito kina Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual. Siguro hindi nila naisip na pang-cameo siya kaya mga kabarkada nila ang kinuha nila,” paliwanag ng bagong bida na ‘di iniisip na competitors na sila ng kaibigan niya. “Huwag naman kaming pagkumparahin, intrigahin. Malayo na siya, marami na siyang na-achieve. I’m just grateful na may nagtiwala sa aking talent, para bigyan ako ng sarili kong movie,” dagdag pakiusap pa niya.

* * *

First time ko na samahan ang aking ina na kumuha ng kanyang buwanang pensiyon sa Philippine Veterans Bank nung Lunes, July 20. Simula pa nung una siyang tumanggap ng apat na libo in the 70s hanggang naginG limang libo na ito ngayon, palaging mag-isa niyang kinukuha ang pensiyon niya sa Camp Aguinaldo.

Ang hirap-hirap pala! Kawawa ang mga beterano at mga biyuda ng mga namatay na, like my mom na mahigit 10 oras naghintay para lamang makuha ang pera nila. Inabot na sila ng gutom, pagod, ngawit sa matagal na pagkakaupo, init at pagkatapos ay lamig dahil umulan ng malakas at ang tanging pananggalang nila sa pagbabago ng panahon ay mga malalaking tela na parang mga parachute na siyang nagsilbing payong sa lahat. Sa kabila nito, tinagos pa rin ng ulan ang mga ito kaya, tulad ng nanay ko na hindi pa man natatanggap ang pera niya ay sinisipon na.

Sa edad na 88, mas marami pa sa naghintay ang mas may edad sa kanya.

Baka mauwi lamang sa pagpapagamot nila ang tinanggap nila. Marami rin sa mga nakasama namin ang galing pa ng probinsiya.

Wala bang magagawa ang Veterans Federation of the Philippines para maibsan man lamang kahit kaunti ang hirap na dinaranas ng mga betarano at ang mga pamilya ng namatay nang sundalo sa pagkuha ng kanilang pensiyon? Sa liit ng halaga na tinatanggap nila na ang karamihan ay nautang na at mga butal na lamang ang hinihintay dahil sa pensiyon din nila inaawas ang kabayaran ng mga utang, kailangan ba nilang ma-subject sa ganun kahirap na proseso?

Wala bang paraan para makuha nila ang pera ng walang hassle? Ang tatanda na nila, madali nang mapagod, marami nga ang itinutulak na lang sa wheelchairs, marami ang paika-ika nang maglakad. Buti na lamang at nagpasyang mamigay ng biscuit nung gabi na ang bangko na hindi naman nagkasya para sa lahat. Ito at ang tubig na mainit o malamig na makukuha sa mga dispenser sa paligid ang nagsilbing meryenda at hapunan ng lahat. Meron namang mabibiling pagkain sa paligid pero, gagastahan pa ba ito ng marami na ang kinukuhang pera ay pambayad na ng mga pangunahing gastusin sa bahay tulad ng kuryente, tubig at upa ng bahay? Maawa naman tayo sa kanila. ‘Yun ba ang sukli sa pagbubuwis nila at ng mga kaanak nilang buhay para sa bansa?

CAMP AGUINALDO

COMEDY QUEEN

EUGENE DOMINGO

JOYCE BERNAL

KIMMY DORA

NILA

PHILIPPINE VETERANS BANK

PIOLO PASCUAL

VETERANS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with