Manny at Marian papalitan ang sitcom ni Vic
Bukas, Huwebes na ang storycon nina Manny Pacquiao at Marian Rivera ng sitcom nila sa GMA 7 na Show Me the Manny. Si Uro dela Cruz ang direktor ng sitcom at ilan sa kasama sa cast ay sina Paolo Contis, Onyok Velasco, AJ Dee, at ang Mommy Dionisia ni Pacman (guest lang daw).
Tingnan natin kung totoong join din sa cast si Lito Camo at si Long Mejia.
Inaayos ang schedule ni Marian para walang conflict sa schedule niya. Tuesday ang taping niya sa sitcom, at ibig sabihin, dideretso siya rito mula sa taping ng Darna na naka-schedule ng Monday-Wednesday at Friday. Ang Saturday at Sunday ni Marian ay para sa shooting ng Nieves, kaya Thursday lang ang pahinga niya na ’di pa rin makakapagpahinga dahil nakalaan ito sa shoot ng TVC ng kanyang mga ii-endorso at may dalawa siyang bagong endorsements.
Sabi, ang Show Me the Manny ang ipapalit sa Ful Haus ni Vic Sotto dahil hindi na nga magre-renew ng kontrata ang M-Zet TV sa Channel 7.
* * *
Magaganda ang publicity photos ni Carla Abellana para sa HerBench, kung saan siya ang bagong image model-endorser. First endorsement daw ito ng bida ng Rosalinda, pero sanay na sanay na siyang mag-pose at maganda ang rehistro. Tiyak na bongga ang gagawin ni Ben Chan na launching kay Carla bilang pinakabagong member ng Bench family.
Aminado si Carla na dahil sa Rosalinda, dumarami ang blessings niya, kaya wala siyang reklamo sa taping at super sipag sila ni Geoff Eigenmann sa pagpo-promote ng series.
Malapit na ring mapanood sa pelikula si Carla dahil ilo-launch siya sa Ang Nanay Kong Aswang at kasama siya sa Nieves na pagbibidahan ni Marian Rivera at isa sa mga entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival.
* * *
Big fan din pala ni Janice de Belen si Sherwin Ordoñez, kaya tuwang-tuwa ang aktor na makasama ang aktres sa pelikulang Last Viewing at magkapatid pa ang role nila. Nadala raw siya sa husay ni Janice sa mga eksenang magkasama sila at kahit hindi siya manalo ng acting award, feeling winner na rin siya dahil nakasama ang kanyang favorite.
Second movie pa lang ito ni Sherwin dahil after 10 years sa showbiz, tsaka lang siya gumawa ng pelikula at last year lang ang first movie niya. Worth the wait naman daw dahil nanalo siyang new male actor sa PMPC para sa Kurap.
Sa August 5, ang showing ng Last Viewing sa SM mall cinemas at July 28, ang premiere night sa Cinema 6 ng SM Megamall.
- Latest