Produksiyon ni Boy Abunda dinumog sa Cinemalaya
Akala ko yung Kimmy Dora lamang na prodyus ni Piolo Pascual ang marami ang nag-cameo role na artista, hindi rin patatalo ang first production venture ni Boy Abunda na Astig na akala ko ay mga tigasin na tao lamang ang makikita mo sa lansangan, mga kanto boys na nakikipagpatayan ng walang malaking kadahilanan, mga mahilig sa babae, at hindi umaatras sa gulo. Sila rin yun pero ang Astig pala ay mga taong nabibigo rin, pero tumatayo at lumalaban sa hindi magandang trato sa kanila ng buhay.
Gaya nga ng character sa kwento ng pelikula, ang mga astig ng Quiapo at mga karatig pook na marami ang guest na mga malalaking pangalan. Maski si Boy mismo ay nasa sarili niyang pelikula.
Sino nga ba ang nakita ko sa Astig na dinidirek ng bagong direktor na si GB Sampedro? Andun sina Aiai delas Alas, Gardo Versoza, Sitti, Mariel Rodriguez, Keanna Reeves, ang AD (assistant director) ni GB na si Armand Reyes, bukod pa sa star-studded cast na pinangungunahan nina Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman, Sid Lucero, Glaiza de Castro, Rita Iringan, Chanda Romero, Malou Crisologo, Emilio Garcia, Jhong Hilario at marami pang iba.
Magaling namang nagampanan ni Dennis ang kanyang role na isang con man at ni Glaiza na kanyang biktima. May steamy love scenes sila sa pelikula.
Maganda rin ang role ni Arnold na lumuwas ng Maynila mula probinsiya para ipagbili ang bahay na naiwan sa kanila ng kanyang inang Zamboangueña ng kanyang amang Tsino. Pero pinakamaganda ang role ni Edgar Allan, ang nag-iisang karakter sa pelikula na naging masaya ang wakas. Palagay ko, pinakamagandang break na ito ng nanalong Mr. Pogi ng Eat Bulaga.
Pang-award ang pelikula ni GB, mahusay ang mga akting ng kanyang mga stars. Ihahabol ko lang banggitin si Sid na gumanap na mabait na kuya ni Glaiza sa indie film.
Dinumog ang pelikula na magkatulong na prinodyus nina Boy Abunda at Boy So sa sinehan ng Cultural Center of the Philippines para sa kasalukuyang Cinemalaya Cinco indie film festival. Bukod sa cast at mga guests ng movie, nakita ko rin sina Angel Locsin, Dimples Romana at si Candy Pangilinan.
Minsan sinabi ni Boy na malalaman niya kung sino ang mga tunay na kaibigan niya kapag nagprodyus siya ng isang pelikula, ngayon alam na niya.
* * *
Kasalukuyan nga palang nagsasagawa ng screening ang mga taga-Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa idaraos nilang kauna-unahang Star Awards for Music.
Inaanyayahan ang sinumang indibidwal na nakagawa ng album between January of 2008 hanggang June of 2009 na isumite ang mga CDs nila, anytime this week, sa opisina ng PMPC sa Delta Building, Roces Ave. Quezon City for consideration at preliminary screening.
* * *
Kilala si Aiai delas Alas sa husay niyang magpatawa. Walang hirit ito na hindi tinawanan ng kanyang manonood. Pero sasabak siya sa drama sa May Bukas Pa ng ABS-CBN bilang si Delilah, kapatid ng character ni Arlene Muhlach na nagka-problema nang mamatay ang tatay niya.
Samantala, inaanyayahan ang lahat na panoorin ang Vilma: A Woman For All Seasons TV special sa lahat ng Sabado ng Agosto, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.
- Latest