^

PSN Showbiz

'Irene Kho at abogado ni Katrina nanggagamit'

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ayoko na sanang magsalita tungkol sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho, Jr. sa Startalk noong Sabado pero kailangan kong sagutin ang mga sinabi ng lawyer ni Katrina Halili na si Atty. Buddy Palad.

Napakinggan ni Atty. Palad ang mga audio tape na nanggaling sa kampo ni Hayden at ang feeling niya, may conspiracy kami nina Hayden para sirain si Katrina.

Nakalimutan yata ni Atty. Palad na ako pa ang nagsabi sa kanila ni Katrina nang magkita kami sa Annabel’s Restaurant na maging maingat sila sa mga aksyon nila dahil kinuha ni Hayden na abogado si Atty. Lorna Kapunan at ang PR firm ni Reli German.

Bakit ko sasabihin ‘yun kay Atty. Palad kung si Hayden ang kinakampihan ko? Kumbinsido ako na edited tape ang napakinggan ni Atty. Palad dahil sinabi niya na seventy minutes ang haba ng audio tape na kanyang napakinggan eh inabot ng tatlong oras ang pakikipag-meeting ko noon kina Dra. Vicki Belo, Reli German, Hayden at ang nanay nito, Atty. Kapunan at ang mga partner nito sa kanyang law firm.

Uulitin ko, alam ko na may micro tape recorder na naka-on habang nag-uusap kami. Common sense lang, kung may iba akong motibo o malisya, magiging maingat ako sa pagsasalita dahil alam ko na naka-record ang aming pag-uusap pero dahil wala nga akong kamali-malisya, talk ako nang talk tungkol kay Katrina, Hayden at sa sex video nila.

Hindi naman present si Atty. Palad sa meeting kaya hindi siya dapat nag-conclude. Hindi niya alam kung saan nag-umpisa at nagtapos ang aming usapan. Hindi sapat na ebidensiya ang mga napakinggan niya sa spliced audio tape.

Pero kung ayaw maniwala ni Atty. Palad, wala akong magagawa. Para na rin siyang si Irene Kho na ginagamit na ebidensiya ang audio tape para ibintang sa akin ang kasalanan na ginawa ng kanyang anak at gustong i-justify ang mga libelous statement niya laban kay Katrina by using me. By using me daw o!

* * *

Two months na ang nakalilipas mula nang pumutok ang sex video scandal ni Hayden pero wala tayong nakikita na mga development, maliban sa madalas na pagpapainterbyu sa TV ng mga involved sa kaso.

Wala pang desisyon ang PRC kung babawiin nila ang lisensiya ni Hayden para hindi na ito makapag-practice ng kanyang medical profession.

Panay pa rin ang pagpapa-interbyu ni Hayden sa mga news program. Nahahalata tuloy na miss na miss na niya ang TV exposure itsurang exposed na exposed at na-sight na ng buong mundo ang kanyang tweety bird.

Nagmamalisya na talaga ako na insecure na siya kay Maricar Reyes dahil sunud-sunod ang mga TV guesting nito. Lalo akong humanga kay Maricar dahil may karapatan siya na mag-ingay pero pinili niyang manahimik.

* * *

Disappointed pa rin ako kay Katrina Halili dahil sa pagdedemanda niya kay Dra, Vicki Belo.

Hindi nag-focus si Katrina sa tunay na isyu, ang pag-video ni Hayden sa kanilang tsugihan portion.

Para na rin siyang si Irene Kho na kung sinu-sino ang idinadamay. Kung hindi pumatol si Katrina sa boyfriend ng may boyfriend, tahimik sana ang kanyang buhay at hindi siya magiging busy sa court-hopping.

Hinintay ko na ipasoli ni Katrina ang Chanel bag na ibinigay sa kanya ni Mama Vicki sa studio ng Startalk noong Sabado pero walang dumating. Nagbago kaya ang isip niya?

vuukle comment

ATTY

HAYDEN

IRENE KHO

KATRINA

KATRINA HALILI

NIYA

PALAD

RELI GERMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with