^

PSN Showbiz

Little Boy/Big Boy naghahanap ng kahulugan sa buhay

-

MANILA, Philippines - Mula sa mga lumikha ng highest-grossing digital film na Ang Lalake sa Parola at ang pinag-uusapang pelikulang Ang Lihim ni Antonio at Kambyo ang isang kuwento tungkol sa isang bading na naghahanap ng kahulugan sa buhay, ang Little Boy/Big Boy.

Sa Little Boy/Big Boy, si Raymund (Paolo Rivero) ay isang graphic artist na nagkaroon ng malaking pasanin nang ilagay sa kanyang pangangalaga ang pitong taong tulang niyang pamangkin na si Zach (Renz Valerio). Ngunit habang inaalagaan niya ang kanyang pamangkin, nasa gitna rin siya ng isang bagong relasyon sa piling ni Tim (Douglas Robinson). Ngayon, kailangan niyang tumayo bilang ama kay Zach at ituro ang kahalagahan ng pagtanggap at pagrespeto sa sarili.

Ang Little Boy/Big Boy mula sa direksyon ni Joselito Altarejos at sa panulat ni Lex Bonife.

Ani direk Jay, “Ang Little Boy/Big Boy ay isang adult gay-drama with lots of sensitive scenes, heart-warming moments and insights on relationships — gay or straight.’’

Abangan ang premiere nila sa July 30, 7:30 p.m. sa Robinsons Galleria, Cinema 4. Mula ito sa Digital VIVA, Beyond the Box at Robinsons Movieworld.

’Wag palampasin ang pinakabagong obrang tiyak na pag-uusapan ng lahat. Mapapanood na sa piling sinehan simula sa August 5.

vuukle comment

ANG LALAKE

ANG LIHIM

ANG LITTLE BOY

BEYOND THE BOX

BIG BOY

BOY

DOUGLAS ROBINSON

JOSELITO ALTAREJOS

LEX BONIFE

LITTLE BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with