^

PSN Showbiz

Na-pressure sa fans, Ruffa at John Lloyd napilitang mag-split; Vhong at Desiree kumpirmadong hiwalay na rin

BUZZ BREAK - Eric John Salut -

Hindi man umamin, balitang split na sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. According to our reliable source, mutual ang desisyon nina Ruffa at John Lloyd na i-end na ang relasyong ‘di naman nila inamin.

“Pressure perhaps? Kasi marami ang may ayaw especially the fans. So they’d rather call it quits,” sabi ng aming kausap.

Kung totoo ito, hindi biro ang sakripisyong ginawa nina Ruffa at John Lloyd. Na kahit nagmamahalan, kailangan nilang tapusin ang isang pagmamahalan na marami ang may disgusto.

Nakakaawa rin si John Lloyd dahil kailangang aprubado ng publiko ang sinumang magiging karelasyon niya. Kung tutuusin, noong sila pa ni Liz Uy, madaling natanggap ng publiko. But this one with Ruffa, hysterical ang reaction ng tao, lalo na ang kanyang mga tagahanga.

Oh well. This is showbiz.

***

Kumpirmadong split na rin sina Vhong Navarro at Desiree del Valle. Inamin ni Vhong na mutual ang decision nila na tapusin na ang kanilang relasyon. Tinigil na rin nila ang kanilang usual na pagkikita. Sa text na lang sila nagku-communicate.

“Wala eh, end of the road na,” sabi ni Vhong. “Mas mabuti na siguro ‘yung nangyari kasi tingnan mo, she’s busy with her career. Ako ganun din.”

Pero ayon kay Vhong, they have remained friends.

“Medyo hindi maganda ‘yung nangyari sa family niya. Namatay ‘yung dad niya. Ako ang unang sinasabihan niya. Lagi naman akong andito for her,” sabi pa ni Vhong.

Hindi rin diumano dahilan ang naaantalang annulment ng kasal nila ni Bianca Lapus kaya hiniwalayan siya ni Desiree.

“Ah hindi. Hindi ‘yun ang dahilan. It’s just a matter of time naman and dadating din ‘yun. Pero hindi talaga ‘yon ang reason.

***

Dahil lang sa digital camera, na-resched ang appoint­ment ni Pokwang sa U.S. Embassy for Monday. As early as 8:00 a.m. noong Friday ay nasa vicinity na si Pokwang ng U.S. Embassy para sa kanyang 10:30 appointment. Ito ay para sa Chok­wang show nila ni Chokoleit at Yeng Cons­tantino sa America ngayong July and August.

“Sanay na ako sa security sa embassy. Ilan beses na akong pumupunta for work visa. Alam kong bawal ang mga electronic gadgets. So pinatanggal ko lahat bago ako pumasok. Ang hindi ko alam, natakpan pala ng wallet ko yung digital camera ko. Hindi rin nakita no’ng assistant ko. Pagpasok ko, sinita ako ng guard dahil may nakita raw sa x-ray door na camera,” ku­wento ni Pokwang.

Nakiusap si Pokwang na kahit itapon na lang niya ang camera para lang makapasok at makarating sa kan­yang appointment sa consul pero hindi siya in-allow ng dalawang guards.

“Yung isa, mabait pero yung isa, hitad. Na hindi ko na lang pinatulan. Sayang ‘yung time and efforts ko. Kaya sa Monday na lang ulit ako babalik. Pero sana, maayos na kasi, Thursday na ang lipad namin papuntang America,” kuwento pa ni Pokwang.

***

Inuulan ng suwerte si Coco Martin ngayon. Sa kanya naka-focus ang kuwento ng Tayong Dalawa. Matapos ipagluksa ng kanyang pamilya ang pagkamatay niya, nalaman na buhay pala ito. At ngayon ay naka-disguise siya. Simula na ng paghihiganti ni Coco bilang Ramon sa Tayong Dalawa.

Umaani si Coco ng papuri sa kanyang mahusay na pagganap sa Tayong Dalawa. Kahit si Governor Vilma Santos sa on-the-spot acting workshop na naganap kamakailan sa ABS-CBN ay humanga sa pagganap ni Coco ng dating role ni Christopher de Leon sa pelikulang Broken Marriage.

Bukod sa Tayong Dalawa, nakatakda na ring simulan ni Coco ang unang pagbibida niya sa isang serye. Siya ang napiling gumanap bilang Tonyong Bayawak sa Agimat: Ang Alamat ni Ramon Revilla.

Noong Sabado ay naganap ang storycon para sa Tonyong Bayawak. Dumating ang bubuo ng cast na kinabibilangan nina Nikki Gil, Jhong Hilario, Ina Feleo, Erick Fructuoso, John James Uy, Randolf Stamatelaky at Ram Revilla.

Kaliwa’t kanan din ang offers na dumadating kay Coco para mag-endorse ng iba’t ibang produkto. Nag-pay off na talaga ang sipag, tiyaga at dasal ni Coco na makilala hindi lang bilang aktor, kundi maging isang star na rin. And he truly deserves it naman.

vuukle comment

ANG ALAMAT

JOHN LLOYD

LSQUO

PERO

POKWANG

RUFFA

TAYONG DALAWA

TONYONG BAYAWAK

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with