^

PSN Showbiz

Ruffa natawa na sa bar lang nag-date sina John Lloyd at Cristine; Regine ayaw nang maging bakla si Ogie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mabilis nakarating kay Ruffa Gutierrez ang bali­tang pagdi-date nina John Lloyd Cruz at Cristine Reyes at ang reaction nito’y at last, matitigil na ang tsismis sa kanila ng actor dahil may ibang babaing nali-link dito.

Tawa raw nang tawa si Ruffa nang biruing at least siya, sa Beverly Hills nakitang kasama ni John Lloyd at nagsa-shopping, samantalang sina Cristine at John Lloyd ay sa Countryside Bar sa Katipunan, malapit sa White Plains nakita.

***

May special participation si Regine Velasquez sa The Eva Castillo Story na mapapanood sa GMA-7 simula sa July 23, konti lang ang mga ek­sena niya, pero ginusto pa ring dumalo sa press­con bilang suporta kay Eva Castillo.

Sa gagawing album ni Eva, hindi kami magu­gulat kung magkakaroon sila ng duet ni Song­bird dahil all out ang suporta nito sa dating kalaban. Guest din niya si Eva sa concert niyang Most Requested na gagawin sa Skydome SM North Edsa sa August 1 & 8. Kay Regine namin nalamang nakalipat na ng apartment si Eva at mga anak.

May cameo role rin si Regine sa Oh, My Girl! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid bilang pro­duction assistant ni Judy Ann. Siya rin ang ku­man­ta ng theme song ng movie na Walang Iba at kundi kami nagkakamali, may cameo rin siya sa Ang Spoiled Brat.

Pinag-react namin si Regine sa binanggit ni Ogie na nagagwapuhan siya kay Derek Ramsay. Any comment?

 “Sabi ko nga sa kanya, next time gumawa siya ng movie, dapat lalake na ang role niya dahil nagdu­duda na ako sa kanya. Minsan pumupunta ‘yan sa bahay na naka-Angelina costume pa, bini-beybi talk ko siya. Nakakaaliw lang.”

 Ibinalita ni Regine na end ng July, magsisimula na silang mag-shooting ni Aga Muhlach ng Viva Films movie at balik-tambalan nilang dalawa. May working title na Of all The Things ang movie na halaw sa kanta ni Dennis Lambert.

***

Ang ganda-ganda ni Jewel Mische nang makita namin sa lobby ng GMA Network on her way sa live chat na naka-schedule Friday afternoon. Wala siyang regular show ngayon, pero gustung-gusto raw niyang magtrabaho na. “GMA what’s your plan for me?”

Bakit may tsikang siya ang umaayaw sa projects na ino-offer sa kanya? One example ay ang Bente na kung kailan shooting na ay saka siya nag-backout.

 “Iyong Bente kasi, nabasa ko ang script two days before the shooting at ‘di ko kayang gawin ang nakasulat ‘dun na mapusok na love making, na-shock ako. Hindi rin totoong ni-reject ko ‘yun dahil pinalitan ni Aldred (Gatchalian) si Aljur (Abrenica) dahil before pa, alam kong si Aldred ang makakasama ko.”

Itinanggi rin ni Jewel ang impression na mas priority niya ang lovelife kesa career dahil naghihintay lang siya ng trabaho from Ch. 7. Hindi rin siya mapili at nagkakataon lang na ‘pag may TV guesting siya, may pasok siya sa UP College of Music o sa Cathedral of Praise Bible College dahil gusto niyang magtayo ng music ministry someday.

Deretso naming tinanong si Jewel kung usapan nila ng BF niyang sikat na actor na hindi nila aaminin ang kanilang relasyon. Pero, “Be Merciful” lang ang isinagot nito.

***

Sa part two ng Kay Tagal Kitang Hinintay ng Dear Friend, galit pa rin si Rachel (Sunshine Dizon) kay Michael (Polo Ravales) sa hindi nito pagsipot sa importanteng event sa buhay nila. Naghintay lang ito ng chance na masumbatan ang binata.

Tinanggap lahat ni Michael ang mga sinabi ni Rachel at saka malalaman ng dalaga ang totoong rason sa hindi pagdating ni Michael. Ang insidente ring ‘yun ang naging daan para magkakilala sina Michael at Dianna (Chynna Ortaleza).

AGA MUHLACH

ALDRED

ANG SPOILED BRAT

BE MERCIFUL

BEVERLY HILLS

CATHEDRAL OF PRAISE BIBLE COLLEGE

EVA

JOHN LLOYD

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with