Nora ipo-produce ng concert ni Sajid Khan
Aalis si German Moreno para sa dalawang linggong bakasyon sa US. Dun ay magkikita sila ni Nora Aunor - sa LA sa pagitan ng July 21 to 25 para pag-usapan ang planong reunion concert ni Nora na magaganap sa LA, San Francisco at Las Vegas. Ipo-prodyus ito ni Sajid Khan. Gusto ni Nora na makasama sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III sa mga nasabing palabas.
Kukunan na rin ni Kuya Germs ng interview ang superstar para naman ma-update ang mga Pinoy lalo na ang mga Noranians sa mga pangyayari tungkol sa kanilang idolo na naka-base na ngayon sa Amerika.
Ipalalabas niya ito sa kanyang programang Walang Tulugan na napapanood tuwing Sabado ng madaling araw sa GMA 7.
* * *
Inaamin ni Ogie Alcasid na nadadala niya hanggang sa likod ng kamera ang pagiging babae niya. Lalo na ngayong hindi na lamang ang pagiging spoiled brat na si Angelina ang ginagampanan niya kundi maging si Frieda sa pelikulang pinagsasamahan nila for the first time ni Judy Ann Santos sa Regal Films na OMG (Oh My Girl) na anniversary presentation din ng kumpanya ni Mother Lily Monteverde.
“Biruin mo, nakakatulog ako ng may bra. Hindi bale si Angelina hindi siya sinasadya pero, si Frieda kailangang araw-araw naka-make-up, naaapektuhan na ang face ko.
“Siguro huli na sa taong ito ang pagtanggap ko ng ganitong role. Iba naman. Baka matuluyan na ako. Lahat naman may tendency maging babae o lalaki, ’di ba?
“Si Frieda, compared to Angelina at Luga Luda ay parang napaka-motherly, tita-titahan ni Juday, lahat peke sa kanya. More than kilig, the audience will find her cute,” sabi ng singer/actor na marami ang gandang-ganda when he arrived sa Valencia office ng Regal dressed as Frieda.
Sinabi ni Ogie na rest muna siya sa trabaho.
“Wala naman akong pinaghahandaan, nagkakataon lang na maraming trabaho. Buti na lang, pareho kami ni Regine na busy. Hindi kami nag-aaway. No matter how busy we both are, nabibigyan namin ng time ang isa’t isa. Maski na nung nagka-AH1N1 siya naalagaan ko rin siya. Hindi naman ako na-scare dahil nagpa-injection (flu vaccine) naman ako,” dagdag pa niya.
Dapat may cameo roles ang mga real partners nila sa movie na sina Regine Velasquez at Ryan Agoncillo. Si Ryan nag-cameo na sa Ouija at Umuulan Umaaraw, kaya hindi na lang. Si Regine naman, sings the theme song of the movie na si Ogie rin ang nag-compose.
Sa July 29 na ang Oh My Girl. Direktor si Dante Nico Garcia ng Ploning fame.
* * *
Hindi lamang pala bilang Candice sa The Wedding nalilito si Anne Curtis, tuliro rin siya sa kasalukuyan dahil pilit na inaalam ng lahat ang identity ng sinasabi nilang non-showbiz guy na ipinalit niya kay Sam Milby.
“There’s nothing to say because we’re just friends I don’t know baka our friendship may develop into something else but, as of now, we’re friends,” sabi ng aktres na sa The Wedding has found two perfect leading men in Zanjoe Marudo and Derek Ramsay.
- Latest