^

PSN Showbiz

Heart dinalaw ng binatang negosyante sa taping

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Showing pa lang sa July 29 ang OMG (Oh, My Girl) nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos at tina­ta­pos pa lang ang I’ll Be Waiting For You nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, pero pinag­hahan­daan na nina Mother Lily at Ro­selle Mon­teverde-Teo ang mga entries ng Regal En­tertain­ment sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Sa August, magsu-shooting na ang Nieves na bida si Marian Rivera at maka­kasama niya sina Pekto at Buboy Villar, Carla Abellana at Jake Cuenca (kung maaayos ang sche­dule ni Jake).

Nagka-casting na rin para sa Shake, Rattle & Roll XI at ang nadinig naming kasa­ma sa cast ay sina Ruffa Gutierrez, Maja Sal­va­dor, Ray­ver Cruz, at Mark Anthony Fer­nandez, pero hindi sila magkakasama sa episode.

Excited na rin si Mother Lily sa shooting ng Mano Po 6 kahit wala pang napipiling kapalit sa role ni Angel Locsin. Una palang naialok kay Kim Chiu ang role ng anak ni Sharon Cuneta na hindi natuloy at kinaila­ngang i-re­vise ang script, ini-offer nga kay Angel na hindi rin natanggap ang project, kaya naghahanap ngayon si Mother Lily nang ipapalit sa dalawa.

Hindi pa pala tiyak na sa Taiwan ang shooting ni Sharon ng Mano Po 6 at baka sa mainland China pa rin mag-shoot si direk Joel Lamangan.

* * *

Ang life story ni Eva Castillo ang papalit sa Suspetsa episode sa SRO Cinemaserye ng GMA 7. Si Eva ay tinulungan ni Regine Velasquez na magkaroon ng singing career, binibigyan ng mga gigs ni Allan K. at mina-manage na ni direk Louie Ignacio.

Dalawa ang gaganap na Eva sa kanyang life story na malapit nang ma­panood. Ang batang Eva ay gagampanan ni Glaiza de Castro at nang magka-edad, si Manilyn Reynes na ang gaganap na Eva.

Curious kami kung sino ang lalabas na Regine na malaki ang parte sa buhay ni Eva na nadiskubreng mahusay pa ring kumanta dahil kay Asia’s Songbird.

* * *

Letter J ang initial ng first name ng successful and controversial businessman na nakitang duma­law kay Heart Evangelista sa taping ng af­ternoon soap nila ni JC de Vera na Ngayon at Kailanman sa Batangas. Nagulat ang mga kasa­ma ng aktres sa soap nang dumating si “J” at makipag­kuwentuhan kay Heart.

Binatang-binata si J, negosyante na galing sa pro­minent at nirerespetong political family. Naging controversial siya dahil sa katapangang ilabas at ipaglaban ang katotohanan. Maaga pa para sabi­hing nanliligaw siya kay Heart, pero malay natin!

* * *

Hindi namin napigilang ’di matawa sa ku­wento ng isang direktor tungkol sa isang maga­ling na aktres na nakatrabaho niya sa isang peli­kula. Importanteng eksena ang kukunan at ki­nailangan ang maraming lobo sa eksena, kaya busy ang production designer sa pagma­man­do sa staff kung saan dapat itali ang mga lobo.

Nasa isang sulok lang daw ang aktres at nanini­garilyo habang nakatingin sa kaguluhang nangya­yari sa harap niya. Natagalan ang set-up at inabot yata nang pagka-bore ang aktres, kaya isa-isang nila­­pitan ang mga lobo at pina­putok gamit ang sigarilyo.

Nagulat ang lahat at pati ang direktor, matagal bago nasaway ang aktres na tigilan ang pagpapa­putok sa mga lobo. Naisip ng direktor na baka sa kanya magalit ang producer. Tumigil naman ang aktres sa pagpapaputok sa mga lobo, pero marami na siyang napaputok.

Nagalit nga ang producer nang iparating sa kan­ya ang ginawa ng aktres, pero wala siyang maga­wa kundi palitan ang mga lobo or else ’di ma­kukunan ang eksena.

* * *

Ngayong Wednesday sa Rosalinda, sisiraan ni Fedra (Katrina Halili) si Rosalinda (Carla Abel­lana) kay Fernando Jose (Geoff Eigenmann). Haha­nga si Fernando Jose sa boses ni Rosalinda at sasa­bayan nito nang pagtugtog sa piano ang pagkanta ng dalaga.

Sasabihin ni Fedra kay Fernando Jose na gusto niya ito at mahal niya. Nagulat ang binata nang halikan siya ni Fedra.

                                                                                    -

vuukle comment

EVA

FEDRA

FERNANDO JOSE

KAY

MANO PO

MOTHER LILY

NAGULAT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with