Touch Therapy pag-uusapan sa Mommy Diary
MANILA, Philippines – Mas nararamdaman daw ng mga babies ang pagmamahal ng kanilang mommies sa pamamagitan ng paghaplos nito sa kanila. Katulad ng mga eksperto, pinaniniwalaan din ito ng Mommy Diary kaya naman ngayong Miyerkules, Hulyo 15, itutuloy nito ang discussion sa Touch Therapy.
Kasama ang celebrity mom na si Nina Ricci Alagao, ibabahagi ng Mommy Diary host na si Suzi Entrata-Abrera ang magagandang epekto ng touch therapy sa mga infants at toddlers. Ihahatid din nila ang iba’t ibang touch therapy techniques at routines na maaaring gamitin n0 mga mothers upang mapalaki ang kanilang mga anak na malulusog at well-loved.
Abangan lahat ng ito sa Mommy Diary bukas, Miyerkules, 10:15 a.m. sa GMA 7 at 6:10 p.m. naman sa Q Channel 11.
- Latest