^

PSN Showbiz

Sam Concepcion nagpupugay sa fans

-

MANILA, Philippines – Sa industriya na bawat minuto ay may sumisibol na star, nag­pa­pasalamat ang singer-actor na si Sam Concepcion sa mga walang sawang su­musuporta sa kanyang ma­tatapat na kaibigan at ta­gahanga.

Kaya naman ang mga fans niya ay nagbuo ng grupo na tinawag nilang SAMsters. Dito nila ipinakita ang pagsu­baybay sa career ng idolo nila.

Dahil sa kanilang presence sa lahat ng mga activities ni Sam, blessed ang pakiramdam ng talented na bata na nagsimula sa Little Big Star ng ABS-CBN. “I am very, very grateful,” sabi ni Sam. “Ilang taon na rin silang nandiyan para sa akin at ang suporta nila ay hindi humihina.”

Marami nang napatunayan si Sam kahit sa murang edad niya: Napasama sa production ng STAGES sa High School Musical bilang si Troy Boltron, pinili ni Gary Valenciano bilang potential niyang kapalit nang mapanood sa I’ll Find Your Heart concert, naging Boy Bawang sa Super Inggo, batang Piolo Pascual sa Walang Kapalit, kapatid ni Bea Alonzo sa I Love Betty La Fea, gumaganap na Bobet sa Your Song Presents Boystown, at parte ng Gigger Boys ng ASAP ’09.

Sa ngayon ay busy din si Sam sa mga endorsements at advocacies tulad ng pagiging ambassador ng Department of Education at World Vision.

“Hindi ko siguro maa-achieve ang lahat ng ito kundi dahil sa SAMsters,” sabi ni Sam. “Sila ang source of inspiration ko. Marami pa kaming pagsasamahan.”

vuukle comment

BEA ALONZO

BOY BAWANG

DEPARTMENT OF EDUCATION

FIND YOUR HEART

GARY VALENCIANO

GIGGER BOYS

HIGH SCHOOL MUSICAL

I LOVE BETTY LA FEA

LITTLE BIG STAR

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with