^

PSN Showbiz

Mama Cory updated na sa showbiz news

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagandahan ako kay Isabel Oli nang umapir siya kahapon sa Startalk. Pumayat siya at blooming. Talagang naka-recover na siya sa break-up nila ni Paolo Contis.

Hindi pa nagkikita ang dalawa mula nang mag­hiwalay sila. Ang sey ni Isabel, sasabihan niya ng “hi” si Paolo kapag nagkita sila.

‘Yon eh kung magkikita sila. Parang hindi pa ready sina Isabel at Paolo kaya nag-iiwasan sila. Napakaliit ng mundo ng showbiz para hindi nila makita ang isa’t isa ‘noh!

Magkakasama sana sina Paolo at Isabel sa Darna pero nag-back out ang huli. Si Isabel sana ang gaga­nap na Babaeng Tuod sa Darna pero pinili niya na ala­gaan ang kanyang fadir na may-sakit. May mga nang­hinayang sa naging pasya ni Isabel dahil napaka-challenging ng kanyang role, isang babaeng tuod!

* * *

Matagal ko nang narinig ang balita na tinalakan ni Joel Lamangan si Snooky Serna dahil na-late ito sa shooting ng pelikula na kanilang ginagawa.

Narinig ko ang balita noong nakaraang buwan habang nagbabakasyon ako sa Cebu. Sa totoo lang, hindi ako na-shock nang makarating sa akin ang isyu. Baka nagulat pa ako kung tinalakan ni Joel si Snooky dahil napakaaga nitong dumating sa set.

* * *

Kung hindi pa nainterbyu ng Startalk si Kris Aquino, hindi natin malalaman ang kalagayan ni President Cory Aquino.

Naka-confine pa rin si Mama Cory sa ospital at ang sey ni Kris, nakakaupo na ang kanyang madir na may-sakit.

Naka-on daw ang TV sa hospital room ni Mama Cory para mapanood nito ang mga tao na dumalo sa misa para sa kanyang paggaling.

I’m sure, updated si Mama Cory sa mga showbiz news dahil walang katapusan ang mga kuwento ni Tetay.

* * *

Maraming salamat kay Dingdong Dantes dahil pinadalhan niya ako ng isang sosyal na bag. Nagsawa na yata si Dingdong sa mga panawagan ko kaya ibinigay na rin niya ang bag na hinaharbat ko. Thank you Dingdong.

* * *

Pumayag si Alfred Vargas na makunan ng mga TV camera ang kanyang magandang girlfriend pero nakiusap siya sa mga reporter na huwag nang interbyuhin ang love of his life.

Proud na proud si Alfred dahil mabait at maganda ang kanyang girlfriend na si Yasmine. Dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang dyowa, binitbit ito ni Alfred sa fans day niya noong nakaraang Sabado.

Lalong natuwa si Alfred nang makita niya na tanggap ng kanyang fans si Yasmine na puwedeng mapagkamalan na kapatid ni Marian Rivera dahil malaki ang hawig nila.

Ayaw ni Alfred na maging artista si Yasmine pero payag siya na gumawa ng mga commercial ang kanyang girlfriend. May nag-alok na noon kay Yasmine na mag-artista pero tumanggi ito dahil tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa Italy.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

BABAENG TUOD

CORY AQUINO

DAHIL

DARNA

KANYANG

MAMA CORY

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with