^

PSN Showbiz

Rap and Dance Contest sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Ang kalulunsad lang na pinagsamang Rap and Dance Contest sa Quezon City ay magkakaroon na ng elimination ngayong araw, Hulyo 12, 2009 sa Amoranto Theater. Sa ganap na alas-6 ng gabi ito sisimulan hanggang sa matapos ang mahigit isang daang aplikante mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod. Susundan ito ng isa pang elimination sa Hulyo 21, 2009.

Sa unang elimination, mayroong mga guest performer na magbibigay inspirasyon sa mga contestant tulad ng Gloc 9, Sly Kane, Urban Flow and Mike Swift and John. Mayroon din mga surprise guest na magmumula pa sa Estados Unidos na magpi-perform.

Ang semi-finals ay isasagawa sa Agosto 19, 2009, samantalang ang finals ay sa Setyembre 5, 2009.

Mahigit P100,000 lahat ang mga pa-premyong ipamimigay sa mga magwawagi sa iba’t ibang kategorya.

Sa unang elimination, magkakaroon ng parangal sa great martial artist na si Roland Dantes.  

Si Kon. Ariel Enrile Inton ang siyang main sponsor ng paligsahan at si Master Joseph Mabacquiao naman ang organizer.  

vuukle comment

AMORANTO THEATER

ARIEL ENRILE INTON

ESTADOS UNIDOS

HULYO

MASTER JOSEPH MABACQUIAO

QUEZON CITY

RAP AND DANCE CONTEST

ROLAND DANTES

SI KON

SLY KANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with