Kita ni Marian diretso sa bangko
Sumabak talaga sa maaaksiyong eksena si Marian Rivera sa Darna kasi ginamit nito ang fighting style ni Jet Lee — ang wushu — na may palipad-lipad habang ginagampanan ang karakter ng Pinay hero na may super power. Nag-training na si Marian sa martial arts at wushu gamit ang harness para makalipad.
“Bilang paghahanda nag-diet ako, nag-exercise at nagwork-out sa gym. Nag-training din ako sa mga dangerous stunts dahil kailangang mag-tumbling-tumbling ako habang nakikipaglaban. Mabuti na lang at nagsasayaw ako kaya madali ang execution ng mga fight routines,” sey ng magandang aktres.
Magiging busy na si Marian dahil after Darna, nakalinya na ang isang sitcom na pagtatambalan nila ni Manny Pacquiao, may pelikula siya under Regal Entertainment titled Nieves intended para sa Metro Manila Film Festival. Twenty four ang kanyang komersyal at may nakalinya pang produktong kanyang ieendorso kaya happy siya sa takbo ng career. Inamin niya na diretso sa bangko ang lahat ng kinikita.
“Hindi ako bulagsak sa pera at ang binibili ko ay yung mga bagay na kailangan ko lang,” aniya.
* * *
Maganda pa rin hanggang ngayon si Cory Quirino at marami kaming natutunan tungkol sa healthy living na ibinahagi niya sa amin sa pagbubukas ng kanyang store sa SM Fairview, ang kanyang Cory Quirino World of Wellness.
Ano ang sikreto ng kanyang kagandahan at kabataan? “Begin with good health. Change your lifestyle. Damihan ang gulay at prutas. Everything in moderation at kailangan ang exercise,” aniya.
Ayon pa kay Cory pinakamahalagang bagay ang pag-iwas sa stress at galit dahil ito ang makakaapekto sa ating immune system, babagsak ang ating resistensiya. Naniniwala ako sa kanyang sinasabi, tulad na lang ng paggamit din ng virgin coconut oil sa halip na mamahaling lotion. Ito ang ginagamit ko sa aking katawan.
Sa pagkain naman, maganda sa katawan ang tinapay na may coconut flour o kaya’y wheat bread.
* * *
Itinanggi ni Toni Gonzaga ang balitang nagsuplada siya habang nasa Amerika nang magkaroon ng show ang Star Magic. Ayaw daw kasi nitong tanggalin ang kanyang salamin kahit sa pakiusap ng mga fans.
Pinabulaanan din nito ang balitang ayaw niyang makasama sa movie ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.
Sagot ni Toni, “Hindi totoo iyan dahil nababaitan ako sa kanya at nagagalingang umawit at umarte kaya bakit ko naman siya tatanggihan?”
- Latest