^

PSN Showbiz

Sarah umaasa pa rin kay John Lloyd

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Naaliw si Sarah Geronimo dahil pati siya’y tina­tanong ng press sa relasyon nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. Sa launching ng bagong TV commercial ng Careline Cosmetics, kinumusta sa kanya ang actor. May mga nagsasabing kung na-entertain niya ang panliligaw ng actor sa kanya, baka naging girlfriend siya at walang isyu kina John Lloyd at Ruffa.

Nakiusap ito sa press na pabayaan si John Lloyd at kung sinuman ang gustong ligawan. Hindi nag­bago ang pahayag niyang friend lang niya ang actor at favorite loveteam at umaasang mag­kakaroon ng part three ang kanilang tambalan na sabi ay under negotiation na.

Samantala, malakas ang dating ng bagong TVC ng Careline ni Sarah na All Pretty Ladies na siya rin ang kumanta ng commercial jingle. Mai-eng­gan­yo nga ang female population na bumili ng beauty products na ini-endorse ni Sarah.

Late palang dumating sa presscon-launching si Sarah dahil napuyat sa kapapanood sa live coverage ng memorial service ni Michael Jackson na natapos ng 4 a.m. ng Wednesday. Isa rin siya sa mga umiyak sa pagpanaw ng King of Pop na favorite niya bata pa lang siya.

* * *

Kung si Angeli Valenciano lang ang nasunod, gusto niyang ang mister na si Gary Valenciano ang solo lang na endorser ng Glu Control, ang herbal dietary supplement capsule, hindi nga lang pumayag ang GX International, ang kumpanyang gumagawa ng Glu Control dahil alam nilang malaki ang kontribusyon at sakripisyo niya sa pag-aalaga sa asawang may diabetes.

Kay Angeli namin nalamang 31 years ng diabetic si Gary, umabot na sa 25,000 ang insulin injection at 20,000 times na nag-prick to monitor his blood sugar kaya puro butas ang mga daliri nito sa two to three o minsan umaabot sa six times a day na pagpi-prick ng blood.

Ilang beses nang nagka-diabetic attack si Gary at ang pinaka-grabe ay noong 2005 sa Pasadena na kuwento ni Angeli, ni-revive si Gary ng 911 sa lobby ng hotel. Natigil lang ang insulin injection ni Gary mula nang magkaroon ito ng insulin pump.

Excited na rin pala si Angeli sa back-to-back concert nina Gary at Martin Nievera na gaganapin sa Mall of Asia and billed As One. They’re getting Rowell Santiago to direct at kundi ito pumuwede, sina Gary at Martin na ang magdidirek. Ang pinakamahal na tiket ay P5,000 at P750 naman ang pinakamura.

Ang next endorsement ni Gary is with son Gab, naka-first day shoot na sila ng TVC at may two days shoot pa. Sikreto pa kung anong produkto ito.

* * *

Napuyat din si direk Joey Reyes sa panonood ng memorial service para kay Michael Jackson, pero masigla pa rin itong nakipagtsikahan sa press sa presscon ng Makisig Network, Inc. para sa Channel [V] event. Ang Gone to Soon ang favorite niyang kanta ng King of Pop.

Si direk Joey ang tumatayong creative director ng Channel [V] at excited na ikinuwento ang mga mangyayari sa network na number 25 sa Skycable channel. Isa na ang big launch sa July 25 sa A.Venue sa Makati City featuring DJ Bad Boy Bill.

Sabi pala ni direk Joey, walang conflict ang trabaho niya sa Channel [V] sa pagdidirek niya sa ABS-CBN dahil wala siyang kontrata sa network at kahit sa GMA 7, puwede siyang magtrabaho. Kaya pala nagkaroon siya ng writing workshop with Channel 7 writers.

Maintriga ang pahayag ni direk Joey na ang Cinemalaya ang most important indie film festival. Nabanggit niya ito dahil magtatayo siya ng production company to produce indie films. Tiyak may magri-react na ibang nagpapalakad ng indie filmfest.

* * *

Bukas ng gabi sa Adik sa ’Yo, para ma-in love sa kanya si Carlos (Marvin Agustin), magluluto si Joana (Jolina Magdangal), kaso mapu-food poison ang binata at maoospital. 

vuukle comment

ALL PRETTY LADIES

ANG GONE

ANGELI

ANGELI VALENCIANO

AS ONE

GARY

GLU CONTROL

JOHN LLOYD

KING OF POP

MICHAEL JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with