Annabelle naglilitanya sa DOJ
Misqouted ako ng ibang tao ha? May mga nagtatanong sa akin kung bakit galit ako kay Katrina Halili?
Wala akong sinasabi na galit ako kay Katrina. Malinaw ang statement ko noon, disappointed ako sa pagdedemanda niya kay Dr. Vicki Belo at sa kanyang aksyon na matanggalan ng permit para hindi makapag-operate ang Belo Medical Clinic.
Magkaibang-magkaiba ang mga salitang galit at disappointed. At sa mga nagtatanong sa puwedeng gawin ni Katrina para mawala ang disappointment ko sa kanya, simple lang ang solusyon.
Isoli niya ang Chanel bag na ibinigay sa kanya ni Dra. Belo noong Pasko pero kailangan, nasa loob ng bag ang datung na ibinayad sa kanya ng Flawless bilang endorser.
At ang pinaka-importante, sa akin niya isoli ang Chanel bag with matching datung. Napakadali ng gagawin ni Katrina para mawala ang pagkadismaya ko sa kanya.
Tutal, ang kanyang kampo naman ang nagsabi na nagpapa-release si Katrina bilang endorser ng Flawless dahil sa salitang delikadesa. Kailangang maging good example si Katrina ng delikadesa na sinasabi niya. Kung may delikadesa siya, ibabalik niya ang Chanel bag at ang kanyang talent fee sa Flawless. Kung hindi niya isosoli ang bag at ang datung, madodoble ang disappointment na napi-feel ko!
* * *
Headline na naman si Annabelle Rama dahil nagagalit siya sa pagkaka-dismiss ng DOJ sa libel case ni Richard Gutierrez laban sa PEP.
Naglilitanya si Annabelle laban sa DOJ at PEP. Unfair daw ang desisyon ng DOJ kaya aapela sila.
Hindi makapaniwala si Bisaya na madi-dismiss ang kaso dahil umamin daw ang PEP sa pagkakamali nila. Alive na alive uli ang PEP-Richard issue dahil kaliwa’t kanan ang pagpapainterbyu ni Annabelle. Binabalak pa niya na magpatawag ng presscon sa susunod na linggo.
Nasa fighting mood si Bisaya dahil pati ang DOJ, hindi niya pinaligtas. Hindi raw ni-review ng DOJ ang kaso dahil kung ni-review ito, hindi matatalo si Richard.
* * *
Naglabas ng statement si Wilma Galvante tungkol sa isyu na naging pasaway si Robin Padilla sa taping ng Totoy Bato.
Read ninyo ang statement ni Mama Wilma na siguradong ikakatuwa ni Robin dahil inabswelto siya ng bossing ng GMA 7 tungkol sa mga nangyari sa natapos na show ng Kapuso network:
“The fact that Totoy Bato delivered consistent good ratings and more importantly, positive revenue will attest to the success of the series. We know Robin Padilla to be a very passionate actor. He gets involved not only with the character he plays but also with the execution of the story. It is in his contract that he directs all his action scenes. This has been the agreement with Robin with the successful shows he has done with the Kapuso Network—from Asian Treasures, Joaquin Bordado, and the recently concluded Totoy Bato.
“But like all high-end productions, there will inevitably be misunderstandings and miscommunications due mainly to time constraints in mounting difficult scenes, complicated special effects, and the constant desire to make the story better to give our viewers a truly entertaining show. What is important is that all of us are able to rise above these misunderstandings and still work as a team to come up with a good episode every single day that a series is on the air.”
- Latest