^

PSN Showbiz

Hayden feel na feel ang pagkaway sa fans

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Michael Jackson! Michael Jackson! Si Michael Jackson ang favorite topic sa dalawang presscon na pinuntahan ko kahapon, ang presscon ng Channel V at ang pa-presscon ng Ever Bilena kay Sarah Geronimo na nag-renew ng kontrata sa Careline Cosmetics.

Napuyat-puyat ang mga reporters dahil pinanood nila ang live coverage ng memorial service para kay Michael.

Wala akong power na magpuyat kaya hindi ako naka-relate sa kuwentuhan ng press pero pareho kami ng tanong ni Larry King, where is the body?

Sarado ang kabaong ni Michael sa memorial service kaya hindi tayo nakaka­si­guro kung may laman ang kanyang ataol.

Bakit wala pang nakakaalam kung saan inili­bing ang kanyang bangkay? Hang­gang sa kan­yang kamatayan, maraming misteryo tungkol      kay Michael na naghihintay ng kasagutan.

Panonoorin ko na lang ang replay ng memorial service dahil type kong makita ang pinag-uusapan na pag-iyak ni Paris Katherine. The who si Paris? Siya ang anak na babae ni Michael na biglang naging darling of the crowd dahil sa kanyang crying scene.

***

Kung magkuwentuhan ang mga reporters, parang kilala nila ng personal si Michael. Siyempre, nakisawsaw na rin ako sa isyu.

Pinag-uusapan kung kanino dapat mapunta ang custody ng tatlong anak ni Michael dahil may edad na rin ang kanyang madir na si Katherine.

Ang suggestion ko, paalagaan kay Janet Jackson ang kanyang mga pamangkin dahil may kapasidad siya. Bagets pa si Janet at sa pagkakaalam ko, wala pa siyang anak kaya mas makabubuti na siya na lang ang magpalaki sa mga bagets.

***

May nagkuwento sa akin na nadagdagan na naman daw ang mga sex videos ni Dr. Hayden Kho, Jr. na na-upload sa Internet.

Dapat pa ba akong magtaka eh mismong si Hayden ang nagsabi na maraming lamang videos ang kanyang laptop?

Nakakuwentuhan ko nga pala si Wilson Lee Flores sa presscon ng Channel V. Nainterbyu ni Wilson si Hayden para sa July 2009 issue ng S Magazine.

Ang sey ni Wilson, nagulat siya habang nag-uusap sila ni Hayden dahil panay ang wave nito sa ibang tao na nasa loob ng restaurant na pinagdausan ng kanilang interbyuhan portion.

Nagtaka pa si Wilson. Hindi ba niya alam na feel na feel ni Hayden ang pagiging celebrity? Type na type ni Hayden na pinag-uusapan ito kaya wala sa kanyang hitsura na affected siya ng sex video scandal na kagagawan niya.

Baka nga nalungkot si Hayden nang matsugi si Michael Jackson dahil kahit papaano, natabunan nito ang kanyang sex scandal.

***

Nagkita kami ni Joey Reyes sa presscon ng Channel V dahil siya pala ang creative director ng Makisig Channel.

Mapapanood ang Channel V sa Makisig Net­work at ang sey ni Joey, malalaki at maga­ganda ang kanyang mga plano.

Magkakaroon ng sariling reality show ang Makisig Network pero original ito at hindi franchise ng mga reality shows na mula sa ibang bansa.

Napaka-creative ni Joey. Knowing him, makakaisip siya ng bonggang reality show na puwedeng ilaban sa mga reality shows ng mga leading TV network.

vuukle comment

CARELINE COSMETICS

CHANNEL V

DAHIL

EVER BILENA

HAYDEN

HAYDEN KHO

KANYANG

MICHAEL

MICHAEL JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with