Pacman tatapatan sina Dolphy at Vic
Isa ang Wapakman ni Manny Pacquiao na kasalukuyang ginagawa ng Solar Films sa napili para makasama sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines sa Disyembre. Kapareha rito ni Manny ang soloista ng Pussycat Dolls na si Nicole Scherzinger, na half-Pinay na sumikat sa kabilang ibayo.
Manny’s movie is up against the most star studded films of box-office giants Vic Sotto (Ang Darling Kong Aswang ng Octo-Arts ) and Dolphy (Juan/RVQ). May pelikula rin sina Sharon Cuneta/Mano Po 6/ Regal Films), Bong Revilla (Panday/Imus Productions & GMA Films), Kris Aquino (Ikaw Na Nga/Star Cinema), Marian Rivera (Nieves, Regal Films/APT Entertainment) at Ruffa Gutierrez (Shake Rattle & Roll X1/Regal Films).
Tatlo pang pelikula na naisumite pero hindi nagkapalad na mapili ay ang Daniel Rapido ng FCJ Films Productions, 2009 A Love Story, Unitel at I Love You Goodbye, Star Cinema.
* * *
Dalawa sa mga bituin ng May Bukas Pa, sina Tonton Gutierrez at Precious Lara Quigaman ay tatanggap ng special award mula sa PNP. “For their invaluable contribition to the various police-community relations projects that greatly help in the attainment of the mission of the PNP.”
Gaganapin ang awards ceremony sa araw na ito sa Grand Kick-Off Ceremony ng 14th Police Community Relations month celebration sa NHQ PNP building.
Sina Tonton at Precious Lara ang gumaganap ng mga karakter nina Mario at Selda sa May Bukas Pa ng ABS CBN.
* * *
Mukha namang hindi masasayang ang matagal na ipinaghintay ng Pinoy Idol champion na si Gretchen Espina. Sulit ang matagal na pagkawala niya sa paningin ng publiko ngayong makikita na siyang palagi dahil mayroon siyang album na ipo-promote, ang Shining Through ng Sony Music Entertainment.
Akala kasi ng marami ay isa na naman si Gretchen sa mga champion na pagkatapos ng isa o dalawang guestings pagkatapos manalo ay nawawala nang parang bula. With the release of Shining Through it is hoped that she will bounce back and click the fame na dapat mapasa-kamay ng nag-iisang Pinoy Idol.
Naglalaman ang album ng 11-tracks ng mga komposisyon nina Ogie Alcasid, Amenio Mendaros, Top Suzara, Hannah Romawac at Cecile Azarcon-Inocentes. Unang single na ilalabas mula sa album ay ang Kasalanan Nga Ba?
- Latest