Lolit, Kris at Joey dinadamay ni Katrina sa sex video scandal
Agree ako sa sinabi ni Rey “PJ” Abellana na mas kamukha ng kanyang ex-wife na si Rhea Reyes ang kanilang anak na si Carla Abellana.
Maganda ang kombinasyon nina Rey at Rhea kaya maganda ang anak nila. Nagkakilala noon sina Rey at Rhea sa set ng TV show na Anna Lisa at dito nabuo ang kanilang love affair.
Napapanood noon sa GMA 7 ang soap opera na pinagbidahan ng namayapang child star na si Julie Vega.
Kumbaga, GMA stars sina Rey at Rhea. Sino ang mag-aakala na darating ang araw na magiging GMA star din ang kanilang anak?
***
Mga third generation stars sina Carla at Geoff Eigenmann. Apo si Geoff nina Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Magagaling na artista ang kanyang mga magulang, sina Michael de Mesa at Gina Alajar.
Apo naman si Carla ng veteran LVN star na si Delia Razon. Mga artista rin ang kanyang ama at ina.
Matalinong babae si Carla. Bongga ang mga sagot niya sa mga tanong sa kanya. Iba talaga kapag cum laude sa isang sosyal na university.
***
May pustahan ang staff ng Rosalinda na bago matapos ang kanilang show, magiging special friends sina Carla at Geoff.
Ikinukuwento raw ni Geoff sa mga kaibigan nito na type na type niya si Carla. Kung may special feelings na si Geoff kay Carla, papunta na ‘yon sa love, lalo na kung madalas silang magkasama.
Kilalang passionate lovers ang angkan ni Geoff. Hindi talaga nakapagtataka na ma-in love siya kay Carla.
***
Tuluy-tuloy ang shooting The Spoiled Brat ng GMA Films. Ang The Spoiled Brat ang unang malaking pelikula nina Yaya at Angelina, ang mga sikat na karakter nina Michael V. at Ogie Alcasid.
Nag-shooting kahapon ang buong cast. Kumpleto ang mga artista ng pelikula, sina Aiko Melendez, Jomari Yllana, Michael, Ogie, Sheena Halili, at Victor Aliwalas.
***
Agree ako sa sinabi ni Atty. Adel Tamano na nagiging circus na ang imbestigasyon tungkol sa mga sex video nina Katrina Halili at Dr. Hayden Kho, Jr.
True ang sinabi ni Atty. Tamano na ipinatatawag sa DOJ sa July 14 sina Joey de Leon, Kris Aquino at ako para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sex video scandal.
Ang kampo ni Katrina Halili ang pasimuno sa pagpapatawag sa amin sa DOJ. Dyuskoday, ano ang sasabihin ko sa DOJ eh hindi ko naman na-witness ang pag-video sa tsugihan nila ni Hayden. ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, hindi ako kasama sa sarap pero isinasangkot ako sa hirap. Hindi lang ako ‘ha? Pati sina Joey at Tetay!
***
Alam ni Dr. Vicki Belo na mapapawalang-sala siya sa mga kasalanan na ibinibintang sa kanya. Nagsasalita ng tapos si Mama Vicki dahil talagang inosente siya. Wala siyang kinalaman sa uploading sa Internet ng mga sex video ni Hayden. Hindi nga siya marunong gumamit ng computer, ang mag-upload pa kaya?
- Latest