^

PSN Showbiz

PA na nameke ng pirma idinemanda ni Maxene

-

MANILA, Philippines - Kinasuhan kahapon ng aktres na si Maxene Magalona at ng ina niyang si Pia Arroyo-Magalona ang kanyang personal assistant na si Edna Padiernos dahil sa panloloko umano sa kanila.

Naunang isinampa ng mag-inang Magalona ang kasong fraud laban kay Padiernos sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sinasabi sa impormasyong inihanda ni Assistant City Prosecutor Rodrigo del Rosario na noong Hunyo 23, 2009, humingi si Padiernos kay Pia ng P30,000 para gamitin sa pagpapa­libing sa namatay na ina ng suspek.

Sa hiwalay na kaso naman na isinampa sa Quezon City Metropolitan Trial Court, inireklamo ni Maxene na dinaya ni Padiernos ang kanyang pirma para ma-encash ang tseke na nagkaka­halaga ng P40,000.

Natuklasan ng aktres na ang isa sa kanyang tseke ay nawawala at nalaman na pinapalitan ito ni Padiernos.

 Agad na ipinaalam ng mag-ina ang insidente sa pulisya kaya’t naisagawa ang isang entrap­ment operation at dito ay nahuli si Padier­nos nang tanggapin ang halagang P30,000 na marked money.

Inamin naman ni Padiernos ang pamemeke ng pirma ni Maxene. (ANGIE DELA CRUZ)

vuukle comment

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

EDNA PADIERNOS

HUNYO

INAMIN

MAXENE

MAXENE MAGALONA

PADIERNOS

PIA ARROYO-MAGALONA

QUEZON CITY METROPOLITAN TRIAL COURT

QUEZON CITY PROSECUTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with