Dingdong nilayasan ni Jessa sa Amerika
Maraming nagtataka kung bakit binalikan pa ni Jessa Zaragoza ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas. Hindi naman sila hiwalay ni Dingdong Avanzado. Sa kanya na mismo nanggaling na okay ang marriage nila. Happy and supportive ito sa pasya niyang magbalik showbiz. Ito pa nga ang nagsabi sa kanya na magpapayat siya. Gusto ni Dingdong, sexy siya ngayong binalikan na niyang muli ang kanyang singing career. At lalo na ngayong kasama siya sa teleseryeng Rosalinda. ‘Yun nga lang, salbahe ang character na pino-portray niya.
“Hindi man perfect ang marriage namin pero nagmamahalan kami. May career din naman dito si Dingdong. Nakapag-concert siya recently at naging successful naman. Okay din naman sa akin kung nagkasama sila ni Rachel Alejandro, wala kaming problemang dalawa. What is past is past. Hindi man kami close ni Rachel, nagbabatian naman kami. ‘Yun nga lang always wala kaming time na magtsikahan.
“Magpapabalik-balik na lang siguro kami sa States. Meron din naman kaming commitments dun na kailangang i-fulfill. But our daughter Jayda will be studying here. She is six at naka-enrol na siya in grade 1,” sabi ni Jessa na may natapos na ring 13-track album, ang Jessa Sings the Musical Icons.
Sa ngayon, nasa States pa si Dingdong pero susunod ang asawa niya rito. Si Jessa naman ay magiging busy with Rosalinda sa mga susunod na araw.
“Excited ako dahil 2003 pa nang huli akong magkaroon ng acting assignment, ‘yung Bituin ni Nora Aunor sa ABS-CBN. Reunion din namin ito ni Maryo J. de los Reyes who used to direct me.
“Kung may dumating uling magandang role, tatanggapin ko but priority ko ang singing ko,” sabi niya.
* * *
Wala na nga sigurong masyadong magiging problema pa ang Pinoy ngayong aktibo ang maraming sangay ng gobyerno para bigyan tayo ng pagkakataong makapagtrabaho rito at maging sa labas ng bansa. Nung isang gabi lamang nakita ko sa TV na may opening para sa 2,000 posisyon sa Guam. At kung hindi n’yo linya ang mga trabahong iniaalok, may pagkakataon pa kayong makapag-training dahil sa susunod na taon pa lamang magtatanggapan. Bukod sa Guam, may trabaho ring naghihintay sa Malaysia, Singapore, US at maging sa Middle East.
Ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) na pinamumunuan ni Sec. Augusto Boboy Syjuco ay nagbibigay ng libreng edukasyon at scholarship para sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino. Bukod sa libreng edukasyon, ‘yung mga nawalan ng trabaho ay bibigyan din ng allowance na P60 araw-araw.
Tumawag lamang sa TESDA Hotline 887-7777 na isang 12/5 Call Center o mag-text sa 0917-4794370 o 0918-2738232.
Nakipag-partner din ang TESDA sa Filhair Coop na pinamumunuan naman ni Ricky Reyes, Metro Manila Mayor’s Spouses Foundation, DSWD at Concerned Local Government Units. Ang mga courses offered ay Food and Beverage Services, Dressmaking, Travel Services, Food Processing, Baking & Pastry Production, Consumer Electronics Services (cellphone repair), Small Engine Repair, Massage Therapy, Welding o SMAW, Programming, Bartending, Pipefitting, Scaffolding, Technical drafting, Computer Hardware, Driving NC 11, Carpentry, Tile Setting, Security Services, Housekeeping, at marami pang iba.
Kailangan pa ba ng isang Sarah Geronimo, endorser nila, para makumbinse kayong samantalahin ang napakaganda at napakagaling na offer nila? Tawag na!
* * *
Kung hindi pa siya napasama sa cast ng The Wedding, Mondays-Fridays, ABS-CBN, with Anne Curtis and Derek Ramsay, hindi pa mapapansin ang galing sa comedy ni Zanjoe Marudo.
Ginagampanan ni Zanjoe ang karakter na si Marlon, ang mahirap na construction worker sa kumpanya ng pamilya ni Candice (Anne). Sa ’di inaasahang pagkakataon ay magku-krus ang landas ng dalawa at magkakaroon ng relasyon.
Ang The Wedding ay sa direksiyon nina Jeffrey Jetturian at Mae Czarina Cruz.
- Latest