Sabi ni Kris tungkol kay Tita Cory, 'Malakas po ang spirit niya'
“Alam ho ng lahat kung anong pinagdaanan ng mom ko at ang kanyang patuloy na pinagdadaanan. Pero ang puwede kong ibahagi, malakas po kasi ang spirit niya. Nilalabanan niya ito,” sabi ni Kris Aquino kamakalawa ng gabi sa programa nila ni Boy Abunda na Showbiz New Ngayon tungkol sa kalagayan ni dating Pangulong Cory Aquino.
Halata na sa mata ni Kris ang puyat at pag-aalala sa kanyang ina. Pero sinabi niya nagkakausap naman sila ni dating pangulong Cory.
“We all know what my mom has gone through and what she is still going through. What I can share is that her spirit is strong. She is fighting it.
“I want to assure everybody na nakakausap namin siya that we are able to talk to her and her spirit continues to be strong,” dagdag ni Kris.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakadalaw na hindi kapamilya si Mrs. Aquino.
Dasal ang hinihingi ng pamilya para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Mrs. Aquino dahil kumalat na ang kanyang cancer sa lungs and liver na nagsimula sa colon.
* * *
Nagseselos na pala ang boyfriend ni Carla Abellana na si JC Intal (dating player ng Ateneo at ngayon ay naglalaro for Barangay Ginebra) kay Geoff Eigenmann.
Yup, kahit without battling an eyelash ay sinabi ni Carla na wala siyang boyfriend during the interview sa launching ng Rosalinda, alam ng lahat na si JC pa ang unang nakipag-negotiate sa manager ngayon ni Carla.
Ayon sa source, mismong ang manager ngayon ng baguhang actress na bida sa adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda, ang namo-moblema dahil close na sina Carla at Geoff at hindi raw ito part ng publicity ng kanilang bagong show.
Kung sabagay ganito rin nag-umpisa si Marian Rivera. Hindi niya agad inamin na may boyfriend din siyang basketball player nang gawin niya ang Marimar with Dingdong Dantes.
So far wala namang naging epekto sa career ni Marian.
Umamin na lang sila nang maghiwalay na.
* * *
Parang maganda ang programa ng TESDA na ini-endorso ni Sarah Geronimo. Nadiskubre ko lang nang ipakilala ni Mother Ricky Reyes si Sec. Boboy Syjuco, TESDA Director General.
Though napapanood ko na sa TV ang commercial nila ni Sarah, pero parang si Sarah lang ang panonoorin mo.
Sabi ni Mother Ricky wala siyang bayad sa pagpapalaganap ng nasabing programa. “Kahit singkong duling, wala,” sabi niya na pinagdududahan ng mga nasa lunch kasama sila. Pero wala raw talaga, sabi ni Mother.
Sa rami ng walang trabaho ngayon, puwede palang mag-aral dito para sa gusto n’yong pasukan sa murang halaga.
Mga dapat gawin upang makinabang sa mga programa at serbisyo ng TESDA:
• Pumunta sa TESDA Regional o Provincial/District Office na pinakamalapit sa iyong lugar at magtanong tungkol sa mga iba’t ibang kurso at scholarship.
• Kumuha ng Career Profiling para malaman ang iyong occupational interest at abilidad upang makasiguro kung ano ang kursong angkop sa iyo.
• Magtanong sa TESDA ng listahan ng paaralang may rehistradong kurso.
• Kung ikaw ay qualified, bibigyan ka ng referral para sa isang pagsasanay o scholarship. Magpatala, dumalo at tapusin ang pagsasanay upang mabigyan ng training certificate.
• Kumuha ng competency assessment pagkatapos ng iyong pagsasanay.
• Bibigyan ng TESDA ang mga nakapasa sa competency assessment ng National Certificate (NC) o Certificate of Competency (COC) bilang katibayan ng kanilang kaalaman at kasanayan.
• Makipag-ugnayan sa TESDA o sa Public Employment Service Office (PESO) upang makakuha ng kaalaman tungkol sa mga job vacancies sa Pilipinas o sa ibang bansa.
• Para sa mga magtatrabaho sa ibang bansa, maaaring kumuha ng language skills training sa pinakamalapit na TESDA Language Skills Institute (LSI) upang mabigyan ng kasanayan sa pakikipagtalastasan sa employer.
- Latest