^

PSN Showbiz

Pasion de Amor magkakaroon ng Pinoy version

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines – Bumisita kamakailan sa bansa ang Telemundo International President na si Marcos Santana (extreme right) kasama ang Telemundo VP for Distribution and Business Development na si Xavier Aristmuño (second from right) bilang bahagi ng kanilang Asian tour at para makilala sina ABS-CBN President Charo Santos-Concio (second from left) at VP for Program Acquisitions Leng Raymundo (extreme left).

Ito ang unang pagkakataon na nagharap ang dalawang presidente ng higanteng TV networks na matagal ng magkaagapay pagdating sa pagpapalabas ng mga telenovela dito sa bansa.

Ang Telemundo ang ikalawang pinakamalaking Spanish-content producer sa mundo at bahagi ng NBC Universal Division ng General Electric. Ang naturang network ay nasa likod ng ilan sa pinakamatagumpay na telenovelas na ipinalabas sa ABS-CBN tulad ng Pasion de Amor (mas kilala sa buong mundo bilang Pasion De Gavillanes), El Cuerpo del Deseo at La Traicion.

Nakuha rin kamakailan ng ABS-CBN ang pahintulot mula sa Telemundo para gawin ang Pinoy version ng international hit na Pasion De Amor.

GMA Network Nag-react sa Bro. Eli Soriano Rape Case

Mariing itinatanggi ng programang Case Unclosed na hindi nito sinubukang kunin ang panig ni Bro. Eli Soriano bago ipinalabas ang episode na Paninirang Puri noong June 18.

Ginawa ng production team ng Case Unclosed ang lahat ng paraan upang makapanayam si Ginoong Soriano para sagutin ang mga alegasyon sa gitna ng kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Daniel “Puto” Veridiano. Maraming sulat at mga text message ang ipinadala kay Ginoong Soriano, sa kanyang mga abogado, at mga kinatawan upang humingi ng pagkakataong makapanayam “on-cam” ang pinuno ng Ang Dating Daan, subalit ang lahat ng ito ay hindi binigyang pansin.

Ilang beses ding tinawagan ang mga abogado ni Ginoong Soriano, ngunit naging mailap sila. Dinala pa mismo ng isang staff ng Case Unclosed ang isang sulat sa tanggapan ng UNTV upang matiyak na natanggap ng grupo ni Ginoong Soriano ang pakiusap na siya’y makapanayam matapos hindi bigyang pansin ang mga tawag at text messages.

 Unang itinakdang ipalabas ang episode sa kaso laban kay Bro. Eli noong Hunyo 11. Ngunit dahil hindi makausap si Ginoong Soriano ng production team habang papalapit na ang araw ng pagpapalabas ng nasabing episode, ipinagpaliban muna ang pagpapalabas nito ng isa pang linggo o   Hunyo 18 na upang mabigyan pa ng pagkakataong marinig ang panig ni Bro. Eli. Subalit hindi pa rin binigyang pansin ng mga abogado ni Bro. Eli ang mga pakiusap na mahingi ang kanilang panig ukol sa kaso.

Bukas ang Case Unclosed sa pagpapalabas ng panig ni Bro. Eli Soriano sakaling magbigay siya ng pahayag.

Umaatikabong Labanan

Umaatikabong labanan ang muling haharapin ng maskaradong bayaning si Zorro.

Matapos hindi tuparin ni Lima Wong ang kasunduan nila ni Zorro, uutusan nito ang kanyang mga alipores na itumba ang grupo ni Zorro at lilisanin ng grupo niya ang nasabing labanan upang hanapin na ang kayamanan.

Mararating ng grupo ni Lima Wong ang Baluarte De Argon, ito pala ang tinutukoy ng mapa na kinala­lagyan ng mga kayamanan. Laking gulat ng mga pira­ta nang bumukas ang malalaking dingding ng baluarte at lumabas doon ang La Ultima Armas.

Sa kabila ng lahat ay lalaban ang mga pirata ngunit lahat sila ay walang magagawa at mamamatay na la­mang sa mga tama ng La Ultima Armas.

Samantala, darating ang mga Caballeros kaya maga­gapi ng Grupo ni Zorro ang mga natitirang pirata. Magbubunyi ang lahat dahil sa natamong tagumpay.

Sa gitna ng kaganapang ‘yun ay pilit tatanungin ni Lolita si Zorro kung sino nga ba itong talaga subalit mailap pa rin ang Bandido at nagmamadaling aalis.

Marami pang dapat abangan sa Zorro na mapa­pa­nood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. 

vuukle comment

ANG DATING DAAN

ANG TELEMUNDO

CASE UNCLOSED

ELI SORIANO

GINOONG SORIANO

LA ULTIMA ARMAS

LIMA WONG

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with