Carla nerd bago nag-artista
Nilayasan ni Katrina Halili ang press launching kamakalawa ng Rosalinda. Biglang nag-disappear ang kontrabida ng bagong telenovela ng GMA 7 pagkatapos rumampa. Panay ang hanap sa kanya ng maraming reporter para sana kumustahin at tsikahin sa kalagayan niya ngayon pagkatapos ng kabi-kabilang demandang isinampa niya kina Dra. Vicki Belo, Hayden Kho at Irene Kho, nanay ni Hayden.
* * *
Bonggang-bongga ang set-up ng launching ng Rosalinda. Kuntodo ang dami ng bulaklak sa paligid. Iba’t ibang kulay. Nakilala si Thalia sa Rosalinda na may nakalagay na bulaklak sa may tenga na gagampanan ni Carla Abellana.
May pagka-Thalia nga si Carla. Matangkad at balingkinitan ang katawan – vital statistics niya 32-24-34.
Very much available si Carla.
At kasama sa gusto niyang maging partner kung meron siyang choice sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, JC de Vera, Mark Anthony and Jake Cuenca. Yup, biglang napasama sa listahan si Jake sa mga gusto niyang maging leading man kung saka-sakali.
Graduate siya ng AB Psychology sa La Salle at nagwo-work siya sa Human Resources Department ng Rockwell Land bago siya nadiskubre para sa Rosalinda.
Nag-attend lang pala siya ng wedding ni Cheska Garcia nang makita siya ng mga executives ng GMA 7 na present din sa nasabing kasalan.
Pero kuwento ni Carla kinailangan pa niyang mag-audition for the role kahit sure na ang offer sa kanya.
Si Carla ay apo ng isa sa pinakamaganda sa kanyang panahon na si Delia Razon (40s’ and 50s’).
Ang dating artista naman ang tatay niya, si Rey “PJ” Abellana.
Toddler pa lang siya nang maghiwalay ang magulang niya pero nanatiling maayos ang relasyon niya sa nanay at tatay niya.
Practically, sa lola Delia niya siya lumaki.
Pero kahit bata pa lang noon ay may commercial na siya, never niyang nagustuhan ang showbiz.
“Nerd nga ako noon. Hindi ako masyadong nanonood ng TV. Libro lang ang gusto ko noon,” sabi ng bagong Rosalinda.
Until dumating nga itong Rosalinda. “Ang daming walang trabaho. Ang daming nawawalan ng trabaho at heto ako binibigyan ng trabaho. Saka graduate na ako ng college,” sagot niya kung bakit biglang nagbago ang isip niya sa showbiz.
In character siya sa nasabing launching. Naka-contact lens siya ng hazel ang color.
Bilang preparation, nag-voice lesson siya at nag-workshop kay Direk Joel Lamangan.
Ambisyon lang daw niya noon ang magtrabaho sa corporate world.
Bukod sa Rosalinda, may contract din siya sa Regal Films at isa sa gagawin niyang pelikula, makakasama niya si Marian Rivera na kahawig niya nga in person sa true lang.
Ang Rosalinda ay magsisimulang mapanood sa July 6.
Si Geoff Eigenmann ang leading man niya bilang si Fernando Jose.
- Latest