^

PSN Showbiz

'Hindi pa ako patay' - Katrina

- Veronica R. Samio -

Hindi minasama ni Katrina Halili ang pasya ni Maricar Reyes na manahimik na lamang at hindi lumantad sa kasagsagan ng sex video scandal. Masaya siya ngayong marami itong pinagka­kaabalahan dahil katulad niya, hindi ito pinababayaan ng kanyang network. Sa pamamagitan nito, madali raw silang makaka-move on.

Hangad din niya na totoong nagbago na si Hayden Kho pero, hindi siya makikipagtrabahong muli rito.

Tinatawanan lamang niya ‘yung mga text messages na kumakalat ngayon at nagsasabing nagtangka na naman itong magpakamatay at nagtagumpay sa ginawa niya dahil patay na ito.

“Ako rin naman pinatay sa text messages, dalawang linggo rin walang tigil ang ganitong text messages tungkol sa akin. Pero eto at buhay pa ako. Wala lang sigurong magawa ‘yung nagsimula nun,” sabi pa ng aktres na muling binabalikan ang role ng isang kontrabida sa Rosalinda ng GMA.

* * *

Sa ABS-CBN, abala sa kanyang trabaho si Maricar Reyes. Pagbabalik nito mula sa US na kung saan isa siya sa mga nag-perform para sa Star Magic concert tour, kundi man magkasunod ay halos sabay na mapapanood siya sa May Bukas Pa at Your Song Presents : Gaano Kita Kamahal.

Isang linggo siyang makikitang marumi dahil babaeng grasa siya sa top rating series nina Santino at Bro pero, sa Linggo, sa pagsisimula ng Gaano Kita Kamahal, isa siyang piano teacher na mai-involve sa isang guy (Sid Lucero) na married kay Jodi Sta. Maria. Ang passion nila sa music ang magiging daan para sa bawal na pag-ibig. Dahil marahil sa gulong kinasangkutan niya kung kaya marami man siyang co-stars sa mga proyektong ginawa niya, taob niya sila, sa kanya nakatuon ang pansin ng lahat.

Inaasahang lalong magniningning ang kanyang bituin kapag ipinalabas na ang Lovers in Paris na tampok sina Piolo Pascual at KC Concepcion.

* * *

Mistulang isang stage mom si Kris Aquino nang magkaroon ito ng autograph signing sa Trinoma para sa napakamatagumpay na album na ginawa nila ng kanyang anak na si Baby James sa Star Records. Hindi ito kinakitaan ng pagkapagod kahit na mahigit tatlong daang CD ang kanyang pinirmahan. Ginawa niya ito habang wala ring pagkapagod na kumakaway ang kanyang anak sa napakaraming tao na dumayo para lamang sila makitang mag-ina.

Naging malaking bonus pa sa lahat ang pangyayaring sinamahan ni James Yap ang kanyang mag-ina sa naturang affair. Hindi man ito nagtangkang umagaw ng pansin kina Kris at Baby James, hindi to naiwasan dahil isa ring celebrity ang mister ni Kris. 


BABY JAMES

GAANO KITA KAMAHAL

HAYDEN KHO

JAMES YAP

JODI STA

KANYANG

KATRINA HALILI

MARICAR REYES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with