^

PSN Showbiz

Patay na buhok ni Kris ipinagupit na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ngayong Wednesday ang shooting ni Sharon Cuneta para sa guesting niya sa OMG! movie nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos at sa isang bayan sa Batangas. Aliw ang role ni Megastar sa pelikula bilang manghuhula at kung paano magku-krus ang landas nila nina Ogie at Judy Ann, ‘yun ang aabangan sa pelikula.

Sabi nga ba’t preview lang ang OMG! para sa mas malaking project na gagawin ni Sharon sa Regal Entertainment at ito’y ang Mano Po 6 : My Mother at malay nating masundan pa.

Ngayon lang mai-interview si Sharon mula nang du­mating sa US Tour ng Mega Thirty at maraming ita­tanong sa kanya. Isa rito’y ang reaction niya sa galit ng fans ni Kim Chiu at Gerald Anderson sa comment niyang mas gusto niyang makasama sa Mano Po 6 si Angel Locsin kesa kay Kim.

Nagbanta ang Kim-Gerald fans na hindi susu­portahan si Sen. Kiko Pangilinan na tatakbong VP sa 2010 elections. Tiyak may paliwanag si Sharon sa isyung ito.

* * *

Bagong gupit si Kris Bernal sa presscon ng All My Life, pero hindi dahil sa pang-ookray ni Lolit Solis na patay ang buhok niya kaya siya nagpa­gupit, ginusto niyang magpaiksi ng buhok para mas madaling suklayin.

Maraming kissing scene sina Kris at Aljur sa All My Life, pero mukhang hindi pa rin nito nalalasahan ang labi ng ka-loveteam dahil nang tanungin kung anong lasa ng lips ng kapareha, walang maisagot at tumawa lang at pati ang tanong ng press kung bakit laging nakabuka ang bibig ni Aljur sa kissing scene nila, hindi rin sinagot.

Mabilis ang pacing ng series and this Wednesday, malaki na sina Jules (Aljur) at Romina (Kris), mahirap na sina Gary (Jay Manalo) at Marita (Lani Mercado) at nakalabas na sa rehab si Amelia (Gelli de Belen).

* * *

Composer na rin si Aiza Seguerra at ipinagmalaking natapos niya ang Tanging Ikaw ng 10 minutes. Dedicated sa love niyang si Che ang kanta na kasama sa kanyang live album sa Star Records. Nagulat si Aiza dahil dati’y hirap siyang sumulat ng kanta, but that day, mabilis niyang nagawa ang kanta at sabay pa ang music at lyrics.

Maganda ang Tanging Ikaw at lalo pang gumanda sa napakaganda at swabeng rendition ni Aiza. Isa lang ang composition sa 15-track album na ni-record niya sa Teatrino last week at ire-release sa July.

* * *

Kasama na si Chynna Ortaleza sa cast ng Adik Sa ‘Yo at sa week 5 na papasok ang kanyang karakter. Isa ang rom-com series sa magpapa-busy sa aktres dahil isa rin siya sa mga bida ng bagong episode ng Dear Friend na Kay Tagal Kitang Hinintay bilang ka-triangle nina Polo Ravales at Sunshine Dizon simula July 12.

Ginulat pala ni Chynna ang press people na sumama sa second leg ng provincial tour ng Sisters Napkins na ginawa sa La Suerte Mega Warehouse sa Pagbilao, Quezon dahil hindi lang siya sumayaw, kumanta pa ng live na first time nitong ginawa at nasa tono siya ha!

ADIK SA

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALJUR

ALL MY LIFE

ANGEL LOCSIN

CHYNNA ORTALEZA

ISA

MANO PO

TANGING IKAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with