^

PSN Showbiz

Maricar nirerespeto ng network ang pananahimik

- Veronica R. Samio -

Kung kahanga-hanga ang suporta na ibinibigay ng ABS-CBN at Star Magic kay Maricar Reyes sa kabila ng kontrobersya na bumabalot sa buhay nito ngayon, mas kahanga-hanga ang tapang na ipinamamalas ng baguhang Kapamilya star na gustuhin mang makilahok sa gulo ngayon na kasangkot siya ay nagpasyang manahimik na lamang.

Nirerespeto ito ng kanyang network. At bilang patunay sa pagmamahal nito sa kanya, dalawang TV projects ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Unang napanood sa I Love Betty La Fea bilang Candy, ang ex-girlfriend ni Armando (John Lloyd Cruz), mapapanood din siya sa May Bukas Pa bilang isang taong grasa at kung interesado man ang lahat na makita kung sino siya at ano ang kanyang hitsura, may paghangang mahahalo sa interes nila dahil sa husay na ipamamalas niya sa pagganap sa kanyang role.

Isang kasama sa panulat ang naringgan ko na kahit pala takpan ng pagkarami-raming grasa at dumi ang kanyang mukha, hindi maitatago ang angkin niyang ganda. With her exposure in the top-rating series, lahat ay nagkakaisa ng paniniwala na malalampasan niya ang mga gulo na dumarating sa kanyang buhay ngayon, with Santino and Bro to help her, wala itong pasubali.

The other woman naman siya sa bagong episode ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal. In the company of Jodi Sta. Maria and Sid Lucero, bilang co-stars and Erick Salud bilang direktor, Maricar is in good hands.

* * *

Isa sa mga artista na masasabi kong nasundan ko ang career simula pa sa pagkabata niya ay si Aiza Seguerra. Sa kanyang murang gulang, talagang pinahanga niya ako sa angkin niyang talento. At a very young age nanalo siyang best actress, hindi best child actress, sa telebisyon.

As a singer, wala siyang katulad. Nagtataglay siya ng isa sa pinakamalinis na boses na narinig ko, malinis mag-deliver ng kanyang linya at malinis mo ring maririnig ang bawat nota ng kanyang mga kinakanta. Pero as a musician, bilang isang gitarista, kita mo ang magandang relasyon niya at ng kanyang gitara.

Hindi na ako nagtataka na umabot sa platinum mark ang kanyang Open Arms album. Kung wala pa kayong kopya nito, better get one for you to know kung bakit in demand ito sa five countries: Singapore, Malaysia, Indonesia, Taiwan, at Hong Kong.

Siyempre, overwhelmed si Aiza dahil ’di naman siya gaanong kilala, ibig sabihin lang ay nagustuhan nila ang bersyon niya ng mga kanta. Sa ’Pinas din, malapit nang mag-gold ang Open Arms na pagtatakhan mo dahil bakit sa kanyang sariling bansa, ni hindi pa ito umaabot ng gold, samantalang sa ibang bansa, platinum na ito.

Pero walang pagdaramdam si Aiza, mas nananaig ang kasiyahang patuloy ang pagsikat ng kanyang album ’di lamang sa ban­sa niya kundi sa buong Asya. Tumutodo rin sa hit charts ang collabo­ra­tion nila ni Bevlyn, isang Sin­gapo­rean sing­er-song­writer, ng When You Say Noth­ing At All.

Ngayon pa lamang, ini­hahanda na ng Star Re­cords ang kanyang su­sunod na album, isang live album at ma­gi­ging avai­lable sa phy­sical at digital for­mats. Ilan sa mga kan­tang ma­lalagay dito ay ang Kiss From a Rose, Ipag­­patawad Mo, Pag­lisan, Crazy Little Thing Called Love, Everytime at marami pang iba.

Malayo na nga ang na­­­rating ng batang hina­hangaan ko at nakatu­tuwang hindi lamang ako ang humahanga sa kan­ya ngayon kundi maging ang maraming tao sa ma­raming bahagi ng Asya.

* * *

Kailan lamang nagsi­mu­lang umere ang Show­biz Central hosted by Pia Guanio, John “Sweet” Lapus, DJ Mo Twister, and Rufa Mae Quinto. Marami ang nagsabi noon na madadali ang buhay ng show para hangarin nilang tapatan ang tandem nina Boy Abunda at Kris Aquino sa The Buzz.

Pero naka-dalawang taon na sila at sa sipag ng mga taong naghahanap ng balita para sa show at sa galing na ipinamamalas ng mga hosts, matagal pa itong magsisilbing showbiz authority sa mga TV viewers.

In line with the anniversary presentation na nagsimula na kahapon, the show introduces new segments, like Story of Your Life, Profile Pic, Fashion Central and Central Investigation Agents at ang pagpapatuloy ng Text Who! Don’t Lie To Me at Gimme Mo!

* * *

Siguradong matutuwa kayo dahil makakausap ninyo sa online ang mga paborito ninyong Kapamilya artists sa http://chat.abs-cbn.com sa buwan ng Hulyo.

Markahan na ang inyong mga kalendaryo sa mga araw at oras na ito: Zanjoe Marudo, John Prats, and Jayson Gainza ng Banana Split (July 2, 12 n.n.), Erich Gonzales, Xian Lim, and Ejay Falcon ng upcoming show ng ABS-CBN, ang Katorse (July 23, 3 p.m.) at Ms. Korina Sanchez ng Rated K (July 30, 4 p.m.).

AIZA

AIZA SEGUERRA

ASYA

AT ALL

KANYANG

NIYA

OPEN ARMS

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with