^

PSN Showbiz

Katya at Maui nagluluto na lang

- Veronica R. Samio -

Marami na naman ang makikinabang sa isa pang proyekto ni Daniel Razon na libreng edukasyon para sa mga gustong kumuha ng MassCom at Nursing. Hindi nga lamang makapagsisimula agad ang mga mapipili dahil sa susunod na buwan pa operational ang building na papangalanang La Verdad Christian School na magsisilbing iskuwelahan, pero pumayag na ang CHED at Tesda sa pagkabalam ng pagsisimula ng klase rito.

Hindi katulad ng maraming paaralan na nagbibigay lamang ng scholarship sa mga above average ang kakayahan o ‘yung talagang matatalino, sa La Verdad Christian School, maging ‘yung mga average lamang ang intelligence ay puwedeng maka-avail ng free education basta makapasa sila sa pagsusuri na ibibigay ng paaralan.

Para ma-sustain ang mga gastos sa marami niyang proyekto tulad ng free clinic, medical mission, free ride at transient home, patuloy ang pagsasagawa ng proyekto ng broadcaster para makalikom ng pondo. Tulad ng pagdaraos ng photo exhibit at paglalabas ng album. Pinaka-latest na fund-raising na ginawa niya ay ang pagpoprodyus ng isang indie film na siya ang artista, direktor at writer.

Pinamagatang Isang Araw Lang, tampok din sa madrama at maaksiyong pelikula sina Emilio Garcia, Arnell Ignacio, Robert Miller, Rey Abellana at marami pang iba.

Hindi ginawa para mapalabas sa mga sinehang komersiyal ang Isang Araw Lang. Mapapanood lamang ito sa dalawang special screenings na may pre-selling of tickets.

Hindi na kinailangang magdaan sa workshop ni Daniel dahil miyembro siya ng teatro nung nasa kolehiyo siya at nakatanggap na rin ng awards dito. Nakatulong din ng malaki ang kaalaman niya sa radio, TV productions and directing na siya namang itinuturo niya sa kanyang mga estudyante.

Madaling nasundan ang kanyang unang CD. Sa Agosto ay lalabas na ang kanyang pangalawang album.

Hanggang ngayon, marami ang ayaw maniwala na hindi pulitika ang nagbubunsod kay Daniel Razon para tumulong.

 “Anumang yaman meron ako ay hindi ko madadala kapag namatay ako. Baka sa ginagawa kong pagtulong sa aking kapwa ay maawa ang nasa itaas at isama ako sa kanyang kinalalagyan,” katuwiran niya.

Isang panawagan din ng broadcaster sa mga taga-media na samantalahin anag ipinagkakaloob nilang medical mission. Bukod sa libreng konsultasyon, nagbibigay din sila ng serbisyong x-ray, dental, optical, libreng gamutan at gamot, hospitalization at nagri-refer din sila ng mga kasong kailangan ng espesyalista. Tuwing unang Linggo ng buwan ay inilaan nila sa mga press practitioner at immediate family nito.

* * *

Isang bagong karakter na nagngangalang Venus ang lalantad sa Kambal sa Uma. Aakalain ng lahat na siya si Ella (Melissa Ricks) pero hindi nila ito mapatutunayan. Sa takot na maaring si Ella nga si Venus, ipapapatay ni Celeste (Gina Alajar) si Venus kay Leon. Ano ang magiging ambag ni Venus sa buhay ng mga tauhan sa Kambal sa Uma, mapapanood weekdays.

* * *

Napakalaki ng iginanda ng mga sexy stars na sina Katya Santos at Maui Taylor nang makita ko silang nagluluto sa QTV, sa 10-minute cooking show ni Chef Rosebud na Quickfire.

Si Katya pumayat na at parang authority sa ginagawa niyang pagpapakita ng pagluluto ng backribs. Ganun din si Maui na nagluto ng kaparehong putahe na pakiramdam ko dapat iniba nila ang recipe nila lalo’t iisa ang culinary school na pinag-aralan o pinag-aaralan nila.

Feeling ko, sa maganda ini-spend ng dalawang sexy star ang kawalan nila ng projects na nakatulong ng malaki para mabigyan sila ng bagong personalidad na pakikinabangan nila ngayon.

ARNELL IGNACIO

DANIEL RAZON

ELLA

EMILIO GARCIA

GINA ALAJAR

ISANG

ISANG ARAW LANG

LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with