Jaya nanganak na; Katrina Halili puwedeng mainstay sa startalk; Roderick Kapuso na
Seen : Ang mga billboard ni Joy Belmonte, ang anak ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na kakandidatong Vice-Mayor ng QC sa 2010 elections. Hawig si Joy sa singer-actress na si Sarah Geronimo.
Scene : Ang mga sighting kina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez na magpapatunay na napapadalas ang kanilang pagkikita.
Seen : Si Roderick Paulate sa taping ng Rosalinda. Siya ang bagong Kapuso star na nanggaling mula sa Kapamilya network.
Scene : Ang remake ng Isang Platitong Mani TV commercial ni Bert “Tawa” Marcelo. Sina Manny Pacquiao, Michael V., Derek Ramsay at Efren “Bata” Reyes ang mga bida sa TV commercial.
Hindi lamang ang mga pelikula ang nagkakaroon ng remake.
Seen : Ang mga Pilipino na nag-vigil sa harap ng UCLA Medical Center nang mabalitaan nila na namatay ang King of Pop na si Michael Jackson noong Huwebes.
Scene : Baby boy ang second child ni Jaya. Isinilang niya kahapon ang kanyang pangalawang anak.
Seen : Puwede nang maging mainstay ng Startalk si Katrina Halili dahil may kuwento tungkol sa kanya ang show tuwing Sabado, kahit noon pa man na hindi siya nasasangkot sa sex video scandal.
Scene : Kasama sa pelikula ni Manny Pacquiao sa Solar Films ang Fil-Am wrestler na si Batista.
- Latest