^

PSN Showbiz

Pops nilayasan ng mga anak

- Veronica R. Samio -

Minamadali na ni Rico Maria Ilarde ang post production work ng pinaka-latest na horror movie niya sa Star Cinema, ang Villa Estrella starring Shaina Magdayao, Jake Cuenca, Geoff Ei­gen­mann at Maja Salvador. Ipalalabas na ito sa mga sinehan dito sa buong Pilipinas sa July 1 at magkasabay sa North Ame­rica, July 10-16, sa UA Stonetown Twin, San Francisco at UA Hor­ton Plaza, San Diego.

Sinabi ng bagong tinata­guriang horror director, dahil sunud-sunod na pawang mga nakakatakot na pelikula ang ginagawa niya, na nasisiya­han naman siya sa resulta ng kanyang pagpa­pagod dahil pulido ang pelikula at hindi niya ikahihiyang ipa­panood maging sa kanyang mga anak pagdating ng araw.

 “First time ko ito to work with a younger cast, ‘yung mga veteran stars naka­trabaho ko na in the past. Sometimes I even have to share my own life in order to get a reaction from the younger stars.

 “I am proud of them, lalo na ‘yun dalawang babae who are both intense and equally good. My movie is a woman’s picture. Sa bulto ng tra­baho, mas marami si Shaina pero kung ang core of the story ang iko-consider, mas marami si Maja. But both of them are in equal footing.

“Originally, si Bea Alonzo ang naka-cast sa role ni Shaina. Pero sa tagal ng preparasyon, kinailangan nang palitan siya dahil sisimulan na niya ang I Love Betty La Fea,” ani Direk na kina­ilangan pang mag-dispensa dahil isang oras niyang pinapaghintay ang media nung araw na hu­marap siya sa kanila para mag-report tungkol sa kanyang pelikula. Ibinigay niyang dahilan ang kanyang pagmamadali na matapos na ang Villa Estrella. “Nagkaroon ito ng delay dahil sa sked ng mga artista. May mga pumunta ng Amerika at may mga naging aberya pa habang sino-shoot namin ito,” dagdag paliwanag pa niya.

Wala namang nakikitang problema si Direk Rico ngayong patapos na ang trabaho niya. Maging ang paglipat ng isa niyang cast na si Geoff Eigen­mann sa kabilang istas­yon ay hindi niya pino­problema. 

Naitanong kay Direk Rico kung bakit tila hindi gamit ang pool na gina­mit sa shoot, bukod sa ma­rumi ito ay meron nang mga halaman na lumu­lutang dito. ‘Di ba sup­posed to be ay isang resort ang Villa Estrella?

“Sa istorya, napapa­bayaan na ang resort na pag-aari ng pamilya ni Jake for 15 years kaya pi­na­punta siya ng kan­yang ama (Nonie Buen­ca­mino) para malaman kung dapat pa ba itong ayusin o ibenta na lang nila. Hindi naman totally abandoned ang lugar.”

Nung unang ibigay sa kanya ang Villa Estrella, medyo nagkaroon pa ng agam-agam si direk Rico dahil may nagsabi sa kanya na tatlong bagay ang dapat na pakaiiwasan niya sa paggawa ng nasabing pelikula. Ito ay ang pakikipagtrabaho sa mga bata, mga hayop at tubig.

 “Ako komportable sa tubig, lumaki ako sa tabing dagat. Pero hindi ang mga artista ko, sina Shaina at Maja. Marami silang underwater scenes kaya pinabigyan ko pa sila ng proper training sa Danarra Ho­tel. Mga tatlong araw silang nagsanay doon. Si Shaina marunong lumangoy pero hindi si Maja. At kailangan nilang masanay dahil marami silang eksena sa ilalim ng tubig. Kinailangan pang lagyan ng mga tingga ang laylayan ng kanilang mga damit para hindi sila lumutang at manatili sa ilalim ng tubig. Pinalalagyan ko rin ng mainit na tubig ang pool na ginagamt nila para hindi mala­migan ang dalawang babae na matagal nakababad sa tubig.

 “Sa dalawang kabataang aktor, wala akong naging problema. Si Jake pina­tu­na­yan na talagang mahusay na siyang umarte na nahasa sa paglabas niya sa Tayong Dalawa. Si Geoff naman, namana ang galing sa pag-arte ng kanyang mga magulang,”pagpapatuloy pa ni direk.

* * *

Naka-recover na si Pops Fernandez sa naging paghihiwalay nila ni Jomari Yllana. Bagaman at itinanggi niya ang sinasabing pagdededmahan nila ng dating karelasyon at hindi pagbabatian man lamang nang magkita sila recently sa burol ni Douglas Qui­jano, ipinaliwanag ng concert queen na pareho lamang silang may ibang pinagka­kaabalahan kaya hindi nila napansin ang isa’t isa.

 “Wala na sa akin yun, naka-recover na ako sa kanya. Mas nasa-sad pa nga ako when Kuya (she meant Robin, eldest son nila ni Martin Nievera) decided to study in the States. Kaga-graduate din lang ni Ram pero sumunod din ito sa US para naman magbakasyon kaya lalong nalulungkot ako ngayon,”paliwanag niya.

Sa ngayon, wala sa isip ni Pops ang humanap ng makakapalit ni Jomari sa kanyang puso. Happy siya sa pagiging single niya. Marami naman siyang pinagkakaabalahan. Katulad ng pagiging endorser niya sa Calayan Surgicenter

 “Friends din naman kami ni Dra. Vicki Belo pero matagal na akong hindi nagta-trabaho sa kanya,” paliwanag ni Pops na bago naging en­dorser ni Doc Manny, sila ni JayR, ay nakasama pa muna sa paggawa ng unang album ni Doc Manny sa Bellhouse Entertainment, ang Duets with the Icons.

* * *

Pagkatapos ng Medal for Valor episode na kanyang idinirihe, tampok ngayong gabi ang Drama King na si Christopher de Leon sa Maalaala Mo Kaya.

Huling napanood si Boyet sa Kahit Isang Saglit at mapapanood din siya very soon na Lovers in Paris. Makakasama rin niya ang kanyang anak na si Matet at si Rita Avila in one of her rare TV appearances.

Boyet plays a doctor so dedicated to his vocation and calling that his family life becomes imperilled. Handa ba niyang talikuran ang pagkataong kanyang kinalakihan, pinangarap at inasam kapalit ng pamilya?

Kasama rin sina Mara Schnitka, Christopher Peralta, Kristel Moreno, Celine Lim, Lester Llansang at Perla Bautista. Direksyon ni Nuel C. Naval.

DIREK RICO

KANYANG

MAJA

NIYA

SHY

VILLA ESTRELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with