Buong mundo nagluksa
Ang bilis. Biglang pinatutugtog sa FM at napapanood sa music channel (MYX) ang mga kanta ng namayapang si Michael Jackson matapos itong mag-collapse at bawian ng buhay sa kanyang tirahan sa Holmby Hills section sa Los Angeles, California, mga tanghali, Pacific time.
Ayon sa report, isang oras ding sinubukang i-revive ang pop icon, na minsan nang nakapag-concert dito sa Pilipinas, 1996, sa UCLA Medical Center, pero hindi na siyang naka-recover.
Cardiac arrest ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Pero ina-autopsy pa ang katawan niya.
Nagluksa ang buong mundo sa pagkawala ni Michael kasama na ang mga Pinoy na adik sa kanta ni MJ.
Sa coverage ng CNN, nakita ang lahat ng pangyayari after na isugod sa hospital si MJ.
Pero ang The Insider ang nakakuha ng exclusive photo noong dalhin na ito sa UCLA Medical Center.
Maging ang online community ay nagkagulo sa pagkawala ni MJ.
May nagsabi na nagparamdam na si Michael sa kanyang last presscon sa London para sa kanyang concert tour last March 5 kung saan sinabi niyang : “This will be my last and final curtain call.
“I just want to say that these will be my final show performances in London. This will be it. When I say this is it, it really means this is it.
“I’ll be performing the songs my fans want to hear…this is the final curtain call. I’ll see you in July,” ang exact words ng pop icon.
Maging ang mga kasamahan niya sa music industry ay nagluluksa sa kanyang pagkawala.
Sabi ni Britney Spears : “I was so excited to see his show in London. We were going to be on tour in Europe at the same time and I was going to fly in to see him. He has been an inspiration throughout my entire life and I’m devastated he’s gone!”
“I can’t stop crying over the sad news. I have always admired Michael Jackson. The world has lost one of the greats, but his music will live on forever! My heart goes out to his three children and other members of his family. God bless,” sabi ni Madonna.
Sabi naman ng dati niyang asawang si Lisa Marie Presley: “I am so very sad and confused with every emotion possible. I am heartbroken for his children who I know were everything to him and for his family. This is such a massive loss on so many levels, words fail me.”
Nakaka-sad talaga ang maagang pagpanaw ni Michael Jackson. Bahagi ng buhay natin ang kanyang mga kanta.
Henyo ng musika si Michael.
Sarap pakinggan ng kanyang mga kanta sapol sa puso.
- Latest