59 years na, GMA 7 tuluy-tuloy ang pasasalamat
MANILA, Philippines - Halos anim na dekada ng mataas na uri ng broadcasting ang hatid ng GMA Network. At ngayong nagdiriwang sila ng ika-59 anibersaryo, tuluy-tuloy pa rin ang pasasalamat nila sa mga walang sawang sumusuporta sa kanilang istasyon.
Pinamagatang One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59, ang two-hour special ay nagpakita sa publiko ng pinaka-engrandeng parada ng mga Kapuso stars na ginanap noong June 19 sa Araneta Coliseum. Ipinakita rin dito ang sampung elemento ng telebisyon — color, moves, style, image, heart, sound, numbers, power, soul, and reach — na binigyan ng interpretasyon ng mga artista sa kanilang magarbong pagtatanghal, musika, choreography, at fashion.
Ang malaking celebrity get-together ay mapapanood nationwide sa June 28, mula 10 p.m. hanggang hatinggabi, sa SNBO.
Maki-party kasama ang mga Leyteños ...
Abs-cbn, magdiriwang ng fiestavaganza festival!
Handog ng ABS-CBN Regional Network Group MOR 94.3 ang taunang Fiestavaganza Festival sabay ang pagdiriwang ng Pintados Festival mula sa napakagandang lalawigan ng Tacloban, Leyte sa Hunyo 27 (Sabado) sa Robinsons Parking Mall, 6:00 p.m.
Ang Pintados Festival ay isang napakasayang pagdiriwang dahil sa mga natatangi nitong presentasyon sa mayamang kultura ng probinsiya, pagpapakilala sa mga katutubong musika at sayaw ng mga taga-Leyte at Samar. Ang kaakit-akit na lugar ay perpekto para sa anumang kasiyahan. Ang Tacloban City ay kilala bilang may pinakamalaking populasyon at itinuturing na isang first class na lungsod.
Magkakaroon ng espesyal na performances mula sa dalawang pinaka-in demand at mga tanyag na Pinoy rock icons sa bansa. Magkakaroon ng back-to-back live performances ang banda sa likod ng hit songs tulad ng Betamax, DVDX at Selos, Sandwich at ang multi-talented solo artist na si Rico Blanco.
Abangan sila sa kanilang pagbibigay ng isang masayang gabi para sa lahat ng Leyteños. Marami pang ibang mga sorpresa ang inihanda para sa gabi.
Markahan na sa inyong mga kalendaryo ang festival! Maging bahagi ng Kapamilya concert na handog ng ABS-CBN Regional Network Group MOR 94.3, ang Fiestavaganza Festival sa pagdiriwang ng Pintados Festival sa Tacloban, Leyte sa Hunyo 28 (Linggo) sa Robinsons Parking Mall, 6:00pm gabi.
Midnight DJ in Lingkis ng Kamatayan
Isa sa mga top shows ng weekend primetime belt based on the AGB Nielsen Ratings, ang Midnight DJ starring Oyo Sotto, Desiree del Valle, Erich Gonzales, Jenny Miller and Joaqui Tupaz ay patuloy sa kanilang pananakot this Saturday with the story entitled Lingkis ng Kamatayan.
Ang kuwento ay tungkol sa isang teenage boy, played by the cute boy-next-door AJ Perez, na may ulo ng tao at katawan ng ahas na gustong maghiganti sa pagkamatay ng kanyang Lola played by Perla Bautista. Isang nakakatakot ngunit makapag-bagbag damdamin na kuwento. Matuto kaya ang half-man, half-snake na ito magmahal?
Abangan ngayong Sabado at alamin kung bakit parami na nang parami ang nanonood ng TV5. Catch Midnight DJ every Saturday at 8:00 pm.
- Latest