^

PSN Showbiz

Geoff 'di pinayagang mag-promote ng GMA 7

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi pala pinayagan ng GMA 7 si Geoff Eigenmann na mag-promote ng pelikulang natapos niya sa Star Cinema bago naging certified Kapuso ang nasabing aktor, ang Villa Estrella na showing na sa July 1.

Kaya nga ‘wag daw magtaka kung hindi siya nakikita sa promo ng pelikula na ngayon ay gaganap na Fernando Jose Altamirano, ang bidang lalaki sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda.

Sayang naman. Malaki pa naman ang role ni Geoff sa Villa Estrella.

Anyway, mukhang nakakatakot nga ang pelikula. Sa trailer pa lang na 20X yata naming napanood kahapon, parang may gulat factor na.

Ang anak ng dating senador at radio and TV icon Eddie Ilarde ang director ng pelikula, si Rico na hindi namin masyadong nakatsika kahapon.

Pero bongga ang credentials niya. Graduate siya ng high school sa Dela Salle College at nagtapos ng Film-Video course sa California College of Arts and Craft na mas kilala na ngayong California College of Arts sa Oakland, California.

Umaasa siyang masusundan niya ang yapak ng mga idols niyang sina Alfred Hitchcock, Brian de Palma, Steven Spielberg and Roman Polanski.

Nagsimula ang pagiging director ni Rico noong 1999 sa Regal Films starring Monsour del Rosario and Klaudia Koronel. Sinundan ito ng indie film na Sa Ilalim ng Cogon starring Julia Clarete and Yul Servo. Nag-direk din siya ng Shake, Rattle and Roll (Aquarium episode) nina Ara Mina and Ogie Alcasid at isa pang indie film sa Cinema One na Altar starring Zanjoe Marudo and Dimples Romana na nanalong best pictures sa film festival sa Rotterdam and Vancouver at later ay naipalabas din sa Montevideo Fantasy Film Festival.

Puring-puri naman ni Direk Rico ang mga artista niya sa Villa Estrella :

Jake Cuenca : “A pleasure to work with. He has been getting good reviews for his work in the ABS-CBN soap Tayong Dalawa, Villa Estrella will confirm his acting prowess.”

Shaina Magdayao: She has so much rang and flexibility. Her role is very physical and she comes up to challenge.”

Geoff : “He has the pedigree and obviously he inherited not only his parents (Gina Alajar and Michael de Mesa) good looks but also their immense acting talent.”

Maja Salvador : “The films core is built round her character and her fans will be happy with result. Like Geoff, may pinagmanahan siya, she being a Salvador (daughter of the late Ross Rival).”

Showing starting on July 1, Villa Estrella also stars John Arcilla, Ronnie Lazaro, Celine Lim, Empoy and Rubi-Rubi, with the special participation of John Estrada and Liza Lorena.

* * *

Bakit kaya may issue na hindi pa rin naman totoong nagbago na ang isang aktres na nakabase na sa Amerika? Kakatawag lang ng isang Pinoy na nakabase sa Amerika at kinukuwento nitong may hawak daw siyang ebidensiya (Pinoy sa US) para maging back-up sa sinasabi niyang wala pa ring kupas sa kanyang pangungutang sa maraming Pinoy doon ang nasaabing aktres.

Pero ayaw pa niyang magbigay ng ibang detalye ng nasabing Pinoy. Pag-uwi raw niya, humanda ang aktres. Ibubulgar niya lahat.

ALFRED HITCHCOCK

AMERIKA

ARA MINA AND OGIE ALCASID

CALIFORNIA COLLEGE OF ARTS

CALIFORNIA COLLEGE OF ARTS AND CRAFT

CELINE LIM

CINEMA ONE

DELA SALLE COLLEGE

PINOY

VILLA ESTRELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with