Naghahabol kay Aljon nanahimik na
Natuloy ang presscon ni Congressman Irwing Tieng noong Miyerkules ng gabi, kesehodang parating si Typhoon Feria na lumihis sa Metro Manila.
Si Papa Irwin ang proponent ng Cyberboso Bill na malapit nang maging batas.
Noon pa isinusulong ni Papa Irwin ang Cyberboso Bill pero dinededma ito hanggang mabulgar ang mga sex video ni Hayden Kho, Jr.
Kung mapapatunayan na guilty si Hayden, siya ang unang makakatikim ng parusa sa mga lumabag sa Cyberboso Bill.
Makukulong siya ng anim na taon at magbabayad ng P100,000 hanggang P200,000.
Naisip ni Papa Irwin na isulong ang Cyberboso Bill dahil sa isang girl na lumapit sa kanya noon at humingi ng tulong.
Biktima ng rape ang girl at ang nakakaloka, kinunan ng video camera ang panghahalay sa kanya. Kumalat ang video sa bayan ng girl.
Naawa si Papa Irwin sa biktima kaya tinulungan niya ang bagets. Kinasuhan nila ang rapist na nagtago.
Inilipat ng ibang school ang girl para makaiwas ito sa kahihiyan.
Dinidinig pa rin sa korte ang kaso at tinututukan ito ni Papa Irwin dahil gusto niya na mabigyan ng katarungan ang kawaawang bagets.
* * *
Dumating mula sa Europe noong Miyerkules si Senator Jinggoy Estrada pero walang kinalaman ang pagpunta niya sa abroad sa pagkakaroon ng A(H1N1 ) ng kanyang dalawang anak.
Magaling na ang mga anak ni Jinggoy nang bumalik ito sa bansa.
Nagkasakit ang dalawang bagets habang nasa abroad si Jinggoy pero magaling na sila.
Estudyante ng De La Salle University ang panganay na anak nina Jinggoy at Precy. Posibleng nahawa ang bagets sa kanyang mga kaklase.
Ang pagkakaroon ng A(H1N1) ng mga anak nina Jinggoy at Precy ang pagpapatunay na walang pinipili ang bagong discover na klase ng flu.
* * *
Hindi na lumantad sa TV ang babae na nagke-claim na may anak sila ni Aljon Jimenez.
Hindi pinatulan ng mga talk show ang babae dahil wala siyang concrete evidence na maipakita.
Hindi sapat na ebidensiya ang kanyang pralala na nabuntis at naanakan siya ng mister ni Manilyn Reynes.
Kahit sino eh puwedeng mag-claim na nabuntis siya ni ganito at ganireng lalake debah?
Tama ang ginawa nina Manilyn at Aljon na huwag patulan ang pag-iingay ng babae na kinaiimbyernahan ng mga reporter dahil masyadong demanding.
* * *
Paborito ng mga maid of honor ko ang loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.
Nakakasiguro na ang dalawa na may mga manonood sa bahay ko ng kanilang bagong show, ang All My Life. Magsisimula sa Lunes ang inaabangan na primetime show nina Kris at Aljur.
- Latest