^

PSN Showbiz

Chynna dadalaw sa Lucena

-

MANILA, Philippines - Dahil patuloy ang suporta ng Sisters Sanitary Napkins sa mga magagaling na babaeng estudyante sa probinsiya, patuloy din ang suporta ng GMA Artist Center talent na si Chynna Ortaleza sa schedule ng programa nila ngayong araw (June 25) sa Lucena City.

Si Aileen Go, vice president ng Megasoft na gumagawa at namamahagi ng Sisters brand, ay kaagapay ni Chynna sa pagpaparangal sa mga bukod-tanging kababaihang mag-aaral na magkakamit ng sorpresa, laro, at regalo sa isang pagtitipon sa La Suerte Mega Warehouse sa Lucena City.

“Magandang okasyon ito dahil ang La Suerte ay nagdiriwang din ng anibersaryo nila ngayong araw, (June 25),” sabi ni Aileen. “Excited ang lahat na makita ang aktres at masaya sila na madadala namin siya sa kanila.”

May ilang gift-giving activities na ring nagawa ang Megasoft sa mga 90 health centers ng Metro Manila at nakapagbigay sila ng mahigit 12,000 Sisters Napkins at 10,000 Twins Baby Diapers na isinabay nila sa Vaccine Day program ng mga napiling lugar.

“May ilan pang health center sa southern part ng Metro Manila ang balak naming puntahan. We hope to extend as much assistance as we possibly could. We want them to know that we at Megasoft care about them,” dagdag ng bise presidente.

Sinimulan ni Maja Salvador ang kampanya ng Megasoft noong Abril sa Ever Commonwealth, Quezon City at sinundan ng May sa Mindoro.

AILEEN GO

ARTIST CENTER

CHYNNA ORTALEZA

EVER COMMONWEALTH

LA SUERTE

LA SUERTE MEGA WAREHOUSE

LUCENA CITY

MAJA SALVADOR

MEGASOFT

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with