^

PSN Showbiz

Nora Aunor panay ang tawag

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Di raw sinipot ni KC Concepcion ang affair ng Guillermo Mendoza Memorial Awards na kung saan ay may tatlong awards siya na dapat tanggapin?

I’m sure hindi siya nakalimutang pasabihan ng mga tao ng Guillermo. 

Hindi lang talaga siya nakadalo dahil nasa Paris pa siya. Hindi pa siya umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng concert tour nila ng mommy niyang si Megastar Sharon Cuneta.

Dumiretso na siya ng Paris dahil mag-aabay siya sa kasal ng kanyang kaibigan na naging kaklase sa Paris.

‘Wag haluan ng intriga na inisnab niya ang Guillermo Mendoza Memorial Awards.

* * *

Matapos ang mahabang hintayan, nagkausap din kami ni Nora Aunor, tinawagan niya ako sa telepono nung Martes at tinanong ako kung kailan ako pupunta ng US. Gusto raw niyang mag-reunion kami ng mga dating taga-Superstar at okay naman sa akin ang ideya. Gusto lang niyang malaman ang exact date ng pagpunta ko doon para raw maplano niya ng mabuti ang lahat.

I’m sure mabibigyan ko kayo ng magandang news about her pagbabalik ko galing Amerika. Hintayin n’yo na lang. Masyado kasing limitado ang naging pag-uusap namin kaya hindi ko kayo mabigyan ng kumpletong detalye.

Basta ang alam ko, bukod sa akin, marami siyang tinawagang mga dating kaibigan sa press kaya alam kong may ilan nang nagsulat.

* * *

Talaga palang magbabalik na sa kanyang trabaho si Katrina Halili. Siya ang magiging kontrabida ni Carla Abellana sa Rosalinda.

Bakit nga naman hindi. Kung ganyang may magandang offer ang GMA, bakit mo tatanggihan? Nahaharap ka sa isang mahabang labanan sa korte, kailangan mo talaga ng mahaba-habang pisi.

Sa tanggapin mo o hindi, magaling kang kontrabida. Dito napapansin ka. Kaya kung may offer, grab it. Kesa naman magmukmok ka ng bahay at maghintay na lamang sa kapalarang naghihintay sa iyo. Ikaw na ang humanap ng iyong kapalaran. Samantalahin mo na nakuha mo ang simpatiya ng tao sa iyong kaso. Pero dapat mag-stick ka na lang sa talagang isyu, ‘yung pambibiktima sa iyo sa video, makinig ka sa manager mo.

‘Yung nabubuong friendship n’yo ni Carla Abellana, samantalahin mo. Makakatulong ‘to para makalimot ka sa mga nangyari. Kung magagawan mo ng paraan na mapalawak pa ang bilang ng iyong mga kaibigan, gawin mo. Makakabuti ito sa iyo.

Narinig ko kasi, nagti-text na kayo ni Carla at iniimbita mo siya sa iyong bahay. Well and good.

* * *

Sinong nagsabi na hindi bagay kay Marian Rivera ang kanyang Darna costume? Eh ang ganda-ganda nga ng mga nakita kong pictorial niya.

Bakit ba tayo, ang dali nating humusga? Nakakagawa agad tayo ng intriga mula sa isang maliit na detalye?

Siguro, totoo na hindi nagkasya sa kanya ‘yung unang ginawa pero, kahit si Angel Locsin, nakaapat na revision ang costume bago talagang lumapat sa kanya, eh si Marian pa na ngayon lamang magsusuot nito?

Hindi naman siya papayag na hindi fit ang costume niya dahil mapapalaban siya sa mga action scenes, kailangang it will always stay in its place. Mahirap na ‘yung sa isang suntok niya ay lalabas ang isang bahagi ng kanyang katawan. Dapat kahit anong gawin niya, her costume will stay in place.

One thing is sure, bagay ang costume niya sa kanya.

Cute siyang tingnan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BAKIT

CARLA ABELLANA

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL AWARDS

KATRINA HALILI

MARIAN RIVERA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with