^

PSN Showbiz

Careless Whisper ni Kris nakakasuya na

- SEEN SCENE -

Seen : Ang mall tour ni Kris Lawrence para sa promo ng kanyang album. Nakakasuyang tingnan si Kris habang kinakanta niya ang Careless Whisper dahil pareho ang choreography ng sayaw nila ni Dr. Hayden Kho, Jr. sa Careless Whisper video na kasama si Katrina Halili. Sinasamantala ni Kris ang pagkakataon.

Scene : Wala si Richard Gutierrez sa coronation night ng Box-Office King & Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation dahil may show siya sa Hong Kong.

Seen : Ipalalabas sa ABS-CBN ang Box-Office King & Queen Coronation Night. Kabilang si Marian Rivera sa mga awardee. Mapapanood na rin siya sa ABS-CBN. May hakbang kayang gawin ang GMA 7 dahil sa exclusive contract ni Marian?

Scene : Tapos na ang 2008 ngunit hindi pa natutupad ang pangako na global release ng Wages of Sin. Year 2006 nang magpa-presscon si G Toengi at ang Fil-Am actor na si Neil “Xingu “ Rodil para sa pelikula na gagawin nila, ang Wages of Sin.

Seen : Hindi lamang ang magkakapatid na Gutierrez ang wala sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine. Wala rin sa listahan sina Robin Padilla, Kris Aquino, Gretchen Barretto at ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na mga suki ng YES! Magazine.

Scene : Extended ng isang linggo ang Totoy Bato. Hindi pa matatapos sa Biyernes ang drama-action TV show ni Robin Padilla na naging fantaserye.

Seen : Baby girl ang second child nina Dawn Zulueta at Congressman Anton Lagdameo. Nanganak si Dawn noong Lunes.

Scene : And I Love You So ang pamagat ng pelikula nina Sam Milby at Bea Alonzo sa Star Cinema. Si Gary Valenciano ang kumanta ng theme song ng Sam-Bea movie na theme song din ng Cruel Love, ang bagong Koreanovela ng GMA 7.

BEA ALONZO

BOX-OFFICE KING

CARELESS WHISPER

CONGRESSMAN ANTON LAGDAMEO

CRUEL LOVE

DAWN ZULUETA

DR. HAYDEN KHO

G TOENGI

ROBIN PADILLA

WAGES OF SIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with