^

PSN Showbiz

Ayaw sa agimat: Gerald gayuma sa babae ang gusto!

- Veronica R. Samio -

Dalawang taong pinag-usapan ng ABS-CBN at ng pamilya Bautista (o Revilla) na kinatawan ng magkapatid na Rowena at Andrea, ang pina­kabagong proyekto na magsasalin sa telebisyon ng apat sa mga pelikulang tinampukan, prinodyus at dinirek ni Ramon Revilla, Sr.

Ito ang mga istorya ng Elias Paniki, Tonyong Bayawak, Tiagong Akyat at Pepeng Agimat, mga adventure series na nagbigay ng ’di mapa­pantayang kasi­ka­­tan sa sinasabing talagang nag­tataglay ng anting-anting, ang dating senador na ama ni Bong Revilla.

Apat na hinahangaan at pinakasikat na aktor ng kanilang henerasyon ang gaganap sa mga istorya: Gerald Anderson (Tiagong Akyat), Jake Cuenca (Elias Paniki), Coco Martin (Tonyong Bayawak), at Jolo Revilla (Pepeng Agimat). Sila ang apat na kabataang lalaki na mag-iiba ang buhay sa oras na mabigyan ng isang diwata ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kwentong ihahatid ng Agimat.

Sa apat, pinaka-pressured si Jolo dahil sinabihan siya ng kanyang amang si Sen. Bong na dapat galingan niya para hindi mapahiya ang lahi nila. Nasa Kapa­milya network ngayon si Jolo kahit kasalukuyan pang ipinalalabas ang seryeng Totoy Bato sa GMA 7 na kasama siya sa cast.

Katwiran niya, hindi siya nakatali sa isang kontrata sa Kapuso network kaya malaya siyang tumanggap ng proyekto sa alin mang istasyon ng TV sa bansa. Isa pa, ipinakiusap siya ng tiyahin niyang si Andrea na makasama sa serye para makumpleto ang tatlong henerasyon ng Revilla na mabibigyan ng Agimat. 

Bukod kay Jolo, isa pa ring Revilla (Bautista), ang kasali sa Agimat, ang tiyuhin niya at isa ring mahusay na direktor ng pelikula na si Marlon Bautista bilang creative consultant.      

Bagama’t isa ring popular na karakter at pelikula ang Nardong Putik, na binigyang buhay ni Ramon Revilla, Jr. sa kanyang peli­ku­la, hindi na ito isinali sa pilian dahil totoo ang istorya niya at baka tumutol ang pamilya niya na gawing serye ang buhay niya sa TV.

Pare-parehong naniniwala sa agimat ang apat na aktor na gaganap sa serye. Si Jake, may tatlong agimat sa kwarto niya na dinadasalan niya. Parehong ang Diyos naman ang tinuturing na mga agimat nina Coco at Jolo.

Wala namang agimat si Gerald pero gusto niya ng love potion (gayuma) dahil may kaunting problema siya sa kanyang lovelife.

May sari-sarili rin silang gustong makapareha. Si Jolo, sina Lovi Poe, Shaina Magdayao at Maja Salvador; si Coco, sina Ales­sandra de Rossi at Maja Salvador; si Gerald sina Kim Chiu, Bea Alonzo at Erich Gon­zales; at si Jake, sina Roxanne Guinoo, Melissa Ricks at Bea Alonzo.

***

Paminsan-minsan na lamang napapanood si Kaye Abad kaya siguro sa Bud Brothers ay pumayag itong gumanap ng offbeat role katambal ang baguhang si Guji Lorenzano para makabawi man lamang sa matagal niyang absence.

Natakot nung una si Kaye na tanggapin ang proyekto pero nanaig ang kagustuhang mapatunayan ang sarili bilang isang mahusay na artista.

Kahit siya ang babae, siya ang nag-break ng ice, gumawa ng paraan para maging komportable sa kanya ang baguhan niyang kapareha. Para maging madali ang unang eksena nilang magkasama na isang kissing scene. Magkakaroon pa sila ng love scene sa pagpapatuloy ng serye.

Si Jose Javier Reyes ang gumawa ng screenplay ng kwento na hango sa libro na Precious Hearts Romances at dinirek ni Cathy Garcia-Molina.

***

Isang learning experience ang ginanap na music appreciation seminar ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nung buong araw ng Linggo dun mismo sa office ng PMPC. Paghahanda ito sa sisimulang Star Awards for Music to unfold in September of this year.

Nagbigay ng mga napakahalagang tips ang apat na speakers na kinuha ng PMPC para mas mabigyan pa ng linaw ang gagawin nilang pagtatangka para mapili ang pinaka-deserving sa larangan ng musika.

Nagbigay ng mahahalaga nilang input sina Vehnee Saturno, Vincent de Jesus, Von Arroyo at music professor Ryan Manal. Nangako rin ang apat ng patuloy na suporta sa pinakabagong proyekto ng PMPC.

vuukle comment

AGIMAT

BEA ALONZO

ELIAS PANIKI

JOLO

MAJA SALVADOR

NIYA

PEPENG AGIMAT

RAMON REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with