^

PSN Showbiz

Mariz at Jackielou in demand uli

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Humingi na ng tawad si Pokwang sa MTRCB sa paggamit ng watawat ng Pilipinas bilang bahagi ng kanyang costume sa Wowowee nung Araw ng Kalayaan. Bawal gawing costume ang ating flag at si Pokwang ay ginawa pa itong gloves na itinerno sa kanyang kasuotan.

Sorry na lang ang komedyante dahil marami ang gumagawa nito sa TV, pero hindi nahuhuli, siya lamang ang bukod tangi.

* * *

Ako ang unang-unang natuwa nang mabalitaan ko na payag na si Jennylyn Mercado na gumawa ng proyekto kasama si Patrick Garcia. Baka ang kasunod nito ay pumayag na siyang makita ng aktor ang anak na magdiriwang ng kanyang first birthday next month.

Siguro nga napapalambot na ng panahon ang puso ng aktres na pinatigas ng maraming gulo at intriga nang maghiwalay sila ng aktor, bago at pagkatapos maisilang ang kanilang anak.

Hindi na hinihiling ng kanilang mga supporters ang pagbabalikan nila, sapat na ‘yung maging magkaibigan sila, para man lang sa kapakanan ng anak nila.

* * *

Okay si Jackielou Blanco at nagkakasunud-sunod na ang mga projects niya sa GMA. Finally, nakita nila ang kanyang potensiyal, ang kahusayan niya sa pagganap sa mga character roles. Kasama siyang muli sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin bilang salbaheng nanay ni Glaiza de Castro na gumaganap ng role na ginampanan niya nung araw sa movie version nito which starred the Megastar.

Kahit tinanggap na magaling siyang artista, kahit nai-impress ang marami sa kanyang pag-arte, obsessed pa rin si Jackielou na mabigyan ng mga projects na malaki ang cast at ginawa ng mahusay na direktor.

* * *

Isa pa ring co-host ko na in demand mag-portray ng mother role itong si Mariz. Katatapos lang niyang maging nanay ni Kris Bernal sa Dapat Ka Bang Mahalin?

Tulad ni Jackielou, magaling ding mag-nanay si Mariz, although parang hindi siya puwedeng bad mother ‘di tulad ni Jackie. Pero kung mabibigyan ng chance, I’m sure kakayanin din ito ni Mariz.

Ang gusto kong makitang umaarte naman ay si Ronnie Ricketts. Kailan ba siya tatanggap ng projects muli, Mariz?

vuukle comment

DAPAT KA BANG MAHALIN

JACKIELOU

JACKIELOU BLANCO

JENNYLYN MERCADO

KRIS BERNAL

KUNG AAGAWIN MO ANG LAHAT SA AKIN

MARIZ

PATRICK GARCIA

POKWANG

RONNIE RICKETTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with