^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong nag-argumento sa tattoo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagkita-kita sa wake ni Douglas Quijano ang mga couples na sina Aga Muhlach-Charlene Gonzales at Marian Rivera-Dingdong Dantes at ang ganda nilang tingnan dahil pare-parehong magaganda at guwapo. Lalo sigurong maganda kung pagsasamahin sila sa pelikula, pero malabong mangyari dahil Kapamilya sina Aga at Charlene at Kapuso sina Marian at Dingdong, unless ang Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde ang magpo-produce.

Tawa lang pala ang sagot ni Aga nang kulitin ng press na mag-active na siya sa showbiz, gumawa ng TV show at pelikula. Puro “later” ang sagot nito at magpapapayat daw muna siya.

Kaloka ang mga sinabi nitong paraan para siya pumayat na ’di namin isinulat at baka seryosohin ng mga makakabasa.

Pero malapit nang mapanood sa pelikula si Aga, ang reunion movie nila ni Regine Velasquez under Viva Films at si Joyce Bernal pa rin ang magdidirek.

***

Magkasama sina Marian at Dingdong na dumating sa wake ni Douglas noong Thursday. Sinalubong kami ng aktres na may pabirong pakiusap na ’wag naming aawayin si Dingdong (may isyu kami sa pagdi-deny niya sa kanyang tattoo) at siya raw ang makakaaway namin.

Sinagot namin si Marian na hindi namin inaaway “ang boyfriend mo” na ikinaloka nila pareho ni Dingdong. Hanggang pag-uwi ng dalawa, isyung tattoo pa rin ang usapan, pero ’di sinagot ni Marian kung saang part ng katawan niya naka-tattoo ang name ni Dong. Makikita ba ito ’pag naka-costume siya ng Darna o Narda?

 “Sa akin na lang yun, pero wala kayong makikita’t mataas ang boots ko at iba ang costume ko,” say ni Marian.

Pasasaan ba’t malalaman din namin kung totoong “JSD” ang naka-tattoo kay Marian na ang ibig sabihin ay Jose Sixto Dantes, ang real name ni Dingdong.

Samantala, disappointed ang mga fans na nanood ng One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 anniversary celebration ng GMA 7 dahil hindi siya lumabas na naka-Darna costume. Ang tsika sa amin, ibabalik ang istoryang pilay si Narda na wala sa Darna ni Angel Locsin. Tumutulong si Dingdong sa workout ni Marian para mas maging firm ang muscles nito.

***

Nakakatuwang makinig sa pabirong sumbatan nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na sabay naming nakausap sa first shooting day ng Spoiled Brat. Nag-reminisce ang una at kinuwentong ang ex-husband ang kinausap ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte para kumbinsihing tumakbo siyang konsehal sa Kyusi.

Humirit si Jomari, “Nanalo ka at iniwan mo ako” na sinagot ni Aiko ng “Sana hindi ka nagloko. Bakit nga ba nagloko ka? Matagal kong nalaman, I was the last one to know.” Hindi sinagot ni Jomari.

Hindi rin naniniwala si Aiko na nagbago na si Jomari at walang dini-date for four months now dahil “very unbecoming” daw. Tinanong si Aiko kung walang effect sa kanya ang pagpapa-cute ni Jomari?

 “Wala! Kamukha niya kasi ang anak ko. Nakikita ko ang anak ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit nag-krus na naman ang landas namin, nananahimik na ako. But I love ninong Tony (Tuviera na ninong nila sa kasal ni Jomari). I love Tita Malou (Choa-Fagar) and I love the team, kaya ko tinanggap ang project na ito,” sagot ni Aiko.

***

Sa second part ng Bakasyunistas episode ng Dear Friend, may sinet na rule sina Gina (Isabel Oli), Mia (Ryza Cenon) at Tracy (Sheena Halili) na “no boys” habang nagbabakasyon sila. “No serious relationship” naman ang usapan nina Alex (Mark Herras), Troy (Chris Cayzer) at Aaron (Rainier Castillo), ang ’di nila alam, on na sina Troy at Mia at itinatago lang.

Panoorin para malaman ang sagot sa Dear Friend after SOP.

AGA MUHLACH-CHARLENE GONZALES

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANGEL LOCSIN

DARNA

DEAR FRIEND

JOMARI

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with