^

PSN Showbiz

Umamin, Jake may agimat

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Isa na namang action-adventure series ang mapapanood - Agimat na pinasikat ng respetadong aktor na si Ramon Revilla, Sr. pero this time, apat sa pinakasikat na male stars ng bagong henerasyon ang sasabak sa naturang istorya. Ito’y kinabibilangan nina Gerald Anderson, Jake Cuenca, Coco Martin at Jolo Revilla.

Natutuwa naman si dating Sen. Revilla Sr. dahil avid fan pala ito ng Tayong Dalawa at alam niyang kayang gampanan ng tatlong bida ang karakter na inilarawan nito sa iba’t ibang istorya ng Agimat. Si Jake ang gaganap bilang Elias Paniki, Coco bilang si Tonyong Bayawak si Tiagong Akyat naman si Gerald at si Jolo bilang si Pepeng Agimat.

Ayon kay Andeng Bautista Ynares na naroon sa presscon ay napakaganda ng gesture ng ABS-CBN para mabigyan ng buhay ang alamat ng agimat na pinasikat noon ng kanyang ama at ngayon ay mapapanood na ng mga kabataan.

At may agimat pala si Jake Cuenca na bigay sa kanya ng isang kaibigan. May nakasulat na Latin sa kapirasong papel na binabasa niya.

“Kaya siguro sinuswerte ako sa aking career dahil ito ang hinihiling ko sa itinatago kong agimat pero siyempre, nananaig pa rin ang paniniwala ko kay Lord,” aniya.

Sa rami ng blessings na natatanggap ng aktor ay wala na siyang panahon sa intrigang ipinupukol sa kanya.

Sabi nga ni Jake: “Positibo akong tao at focus lang ako sa aking career.”

***

Handa namang sumabak sa drama si JC Tiuseco at una niyang proyekto ang Sine Novela Presents Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Ayon sa first Pinoy Sole Survivor pinaghandaan niya ang serye dahil nag-workshop ito kay Ann Villegas

***

Fifteen years old lang si Jackie Rice nang sumali sa Starstruck. Hindi naging seryoso sa kanyang career ang aktres kaya napag-iwanan ng mga kapanabayang artista. Naging pasaway din ito kaya hindi nabigyan ng prioridad ang career.

This time magagandang proyekto ang naibibigay sa kanya - ang Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin kaya ayaw niyang sayangin ang magagandang pagkakataong dumarating sa buhay. Handa na rin siyang sumabak sa mature at sexy roles.

***

Bukas na ang celebrity screening ng Transformers 2 sa SM Megamall Cinema 1 ganap na 6:30 ng gabi. Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang malaking pelikula na tiyak na hihirit sa takilya. Tatampukan ito nina Shia LaBeouf, Megan Fox sa direksyon ni Michael Bay.

 Palabas na ito sa June 24 sa inyong paboritong mga sinehan mula sa United International Pictures na ipinamamahagi ng Solar Entertainment Corporation.

vuukle comment

AGIMAT

ANDENG BAUTISTA YNARES

ANN VILLEGAS

AYON

COCO MARTIN

ELIAS PANIKI

GERALD ANDERSON

HANDA

JAKE CUENCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with