Ara welcome kay Pops ka-back to back sa concert
Nagsu-shooting pa lamang si Richard Gomez ng Bente, ang huling pelikula ng Sine Direk and produced ng Director’s Guild of the Philippines at APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, ipinagmamalaki na niya ito at sana raw ay panoorin ng mga tao dahil naiiba ang role niya at ang story nito.
Simula raw nang i-offer sa kanya ni direk Mel Chionglo ang project, na matagal na hindi nasimulan dahil namatay si Marky Cielo na dapat siyang gaganap na student activist, siya pa raw ang tumatawag kung kailan ba sila magsisimulang mag-shooting.
Gagampanan daw niya ang role ng isang assassin na after sa buhay ng hard-hitting radio announcer played by Sen. Jinggoy Estrada at student activist Aldred Gatchalian. Kasama rin nila sina Iza Calzado, Snooky Serna, Glaiza de Castro at Ricky Davao. Sa Wednesday, June 24 ang playdate ng Bente.
***
Isa sa mga nagustuhan namin sa presentation ng GMA 7’s anniversary special na One Glamorous Night: Greater and Grateful at 59 last Friday ay ang pagpi-present sa bumubuo ng GMA News and Public Affairs na upholding its vision of transparency and element of image na nagpapakita ng hard work, ayon kay Mike Enriquez.
Isa-isang lumabas sina Vicky Morales, Susan Enriquez, Pia Arcanghel, Kara David, Love Añover, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, Howie Severino, JC Tiuseco, Suzi Entrata, Arnold Clavio, at si Mel Tiangco.
Lahat sila ay naka-black and white outfit na may design na parang newspaper at backdrop nila ay ang mga coverage nila ng mga documentaries sa iba’t ibang shows ng news and public affairs.
***
Isa kami sa natuwa na nanatiling friends sina Pops Fernandez at Jomari Yllana after nilang nagkaroon ng heart-to-heart talk pagkatapos ng intriga noong i-produce ni Jom sina Pops at Martin Nievera ng concert.
Malapit kasi ako kay Pops kaya alam naming maayos naman ang naging relationship nila, siguro nga lamang ay hindi pa rin sila ang para sa isa’t isa talaga. Kaya hindi na kami nagtaka nang malaman naming nag-beso-beso sila nang magkita sila sa first night ng wake ni Douglas Quijano.
Biniro pa nga si Pops na since okay na rin sina Jomari at ang naging girlfriend din nito noon na si Ara Mina, hindi kaya sila naman ang ipag-produce ni Jomari ng concert? Sagot ni Pops, bakit hindi, welcome raw iyon sa kanya dahil anything naman ay puwedeng mangyari sa showbiz.
Kababalik lamang ni Pops mula sa Diva 4 Diva concert nila nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez, at ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pagiging one of the judges ng Are You The Next Big Star? talent search.
Hindi muna siya tumanggap ng ibang commitments at late August or September na raw siya muling magku-concert abroad.
- Latest