Hiyas ng Quezon City 2009 kakaiba
MANILA, Philippines - Ang kauna-unahang Hiyas ng Quezon City ay nakatakdang potongan ng korona ngayong Sabado, Hunyo 20, sa ganap na ika-apat ng hapon. Ang seremonya ay gaganapin sa Entertainment Plaza ng SM North Edsa.
Naiiba ang patimpalak na ito dahil public service ang tema nito. Nais ni Kon. Ariel Inton na madama at malaman ng mga kandidata kung ano ang ginagawa ng mga public servants sa oras ng kanilang pagtatrabaho. Sila ay dumalaw din sa iba’t ibang barangay.
Si Mayor Sonny Belmonte ang magpuputong ng korona na sasamahan ni Kon. Inton na siyang main sponsor ng pageant.
Premyong salapi, college scholarship, at mga regalo ang matatanggap ng mga magsisipagwagi.
Dalawampu’t apat na kagandahan mula sa iba’t ibang barangay ang kalahok. Tatawagin silang mga semi-finalist na pinili mula sa mahigit limampung aspirante galing pa sa sari-saring barangay sa buong lungsod.
Ang mga kandidata ay sina Mary Jane Lo (Damayan), Ghia Pauline Plata (Project 6), Barbie Jereza (Paang Bundok), Lady Lourdes Samson (Salvacion), Jameela Perez (Bagong Pag-asa), Jennielyn Natividad (Balunbato), Saramae Reyes (San Bartolome), Ma. Karissa Penos (Escopa III), Ma. Mackylyn Ragusta (Project 4), Leilani Limosnero (Escopa IV), Ma. Katrina Abaraban (Pansol), Shahani Dabu (Pansol), Camille Erica Pascual (Krus na Ligas), Clariz Joy Padinas (Fairview), Liezl Anne Naing (Immaculate Concepcion), Fatima Lopez (Cubao), Charmaine Ann Oribe (Central), Jhemarie Cancio (South Triangle), Babylyn de Leon (San Vicente), Chanela Limpin (Krus na Ligas), Bernadette Solero (Tatalon), Airesh Villanueva (Central), Cherry Bustos (Sauyo), at Peggy Ann Tabag (Tatalon).
- Latest